P470 taas sahod sa NCR, iminumungkahi
- Published on March 16, 2022
- by @peoplesbalita
HUMIRIT na ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) ng P470 taas-sahod o P1,007 daily minimum wage sa National Capital Region (NCR).
Ito’y kasunod ng inihaing petisyon ng hanay ng mga manggagawa sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB)-NCR Office bunsod ng lingguhang taas sa presyo ng produktong petrolyo at pangunahing bilihin sa bansa.
“Clearly, our minimum wage earners and their families have fallen from the category of low-income to newly poor,” pahayag ni TUCP Partylist at President Raymond Mendoza.
Inihayag ni Mendoza na lubha itong nakakalungkot para sa bansa na nais palaguin ang ekonomiya para makaahon sa pandemya pero nagdurusa ang mamamayan sa kahirapan.
Ang daily minimum wage sa NCR ay nasa P500 hanggang P537, base sa National Wages and Productivity Commission ng DOLE.
Ipinunto ng TUCP na ang kasalukuyang P12,843.48 take home pay ng mga manggagawa ay masyadong mababa kumpara sa P16,625 ‘poverty threshold” para sa pamilyang may 5 miyembro sa Metro Manila.
“In 2019, our wage petition was dismissed. In 2020, COVID-19 took its toll on us. In 2021, we fought to recover and endured. Today, we make an action for and behalf of the poor workers and their families in Metro Manila. We are waging our war against poverty, we are aiming for a wage that will save our lives,” ang sabi pa ni Mendoza. (Daris Jose)
-
2 piloto ng PAF, patay sa plane crash sa Bataan
PATAY ang dalawang piloto ng Philippine Air Force (PAF) matapos na bumagsak ang sinasakyan nilang aircraft sa Pilar, Bataan umaga ng January 25, Miyerkoles. Kinilala ang mga biktima na sina Captain Jhon Paulo Aviso at Captain Ian Gerru Pasinos. Ayon kay Bataan PNP Provincial Director Police Col. Romell Velasco, lulan ang […]
-
Pangako ni Abalos, ‘no sacred cows’ sa mas pinalakas na anti-drug drive
TINIYAK ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. na walang exempted mula sa ginagawang paglalansag ng pamahalaan laban sa ilegal na droga. Sa katunayan, ipinag-utos ni Abalos sa mga law enforcers na maging “role models” sa kampanya na puksain ang panganib dala ng ipinagbabawal na gamot. […]
-
Pagluluwag sa NCR, magdadala ng maraming trabaho — BBM
Umaasa si Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., na muling manunumbalik ang sigla ng ekonomiya at maglilikha ng maraming trabaho ang paglalagay ng pamahalaan sa mas maluwag na Alert Level 2 status sa Metro Manila. Sa pahayag, sinabi ni Marcos na ito ang nauna na rin nilang panawagan na buksan na ang mga […]