• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

6 sangkot sa droga kulong sa P183-K shabu

KULONG ang anim na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga, kabilang ang isang bebot matapos makuhanan ng higit sa P.1 milyon halaga ng shabu sa buy-bust operation ng mga pulis sa Malabon city, kamakalawa ng hapon.

 

Kinilala ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao ang naarestong mga suspek na si Norbert Pereira, 33, Jhoemy Galvez, 33, Samuel Checa, 42, pawang ng Brgy. Marulas, Valenzuela city, Saturnino Longcob Jr., 24, Anthony Castillo, 39 at Ariel Christian Ferrer, 23, pawang ng Caloocan city.

 

Sa imbestigasyon ni PMsg. Randy Billedo, alas-4:30 ng hapon nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Venchito Cerillo ang buy-bust operation kontra sa mga suspek sa University Avenue, Brgy. Potrero, Malabon city.

 

Kaagad sinunggaban ng mga operatiba ang mga suspek matapos bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer.

 

Nakumpiska ng mga operatiba sa mga suspek ang 19 plastic sachets na naglalaman ng nasa 27 gramo ng shabu na tinatayang nasa P183,600.00 ang halaga, at P500 buy-bust money.

 

Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa ng pulisya kontra sa mga naarestong suspek sa Malabon City Prosecutors Office. (Richard Mesa)

Other News
  • Brownlee isa na sa mga PBA Greatest Imports

    BITBIT ang isa na namang kampeonato, lalong hinigpitan ni Justin Brownlee ang kanyang puwesto sa tuktok bilang isa sa Greatest Imports sa kasaysayan ng PBA.     May limang kampeonato na ngayon si Brownlee sahog pa ang dalawang Best Import awards matapos ang 3-2 panalo ng Barangay Ginebra kontra sa karibal na Meralco sa katatapos […]

  • Nag-enroll para sa pasukan ngayong school year nasa 22.5-M na – DepEd

    PUMALO na sa 22.5 million ang mga nag-enroll bago ang pagbubukas ng klase sa Oktubre 5.   Ayon kay DepEd USec. Tonisito Umali, ang naturang bilang ay 99.68 percent na bilang na nakuha mula sa school year 2019 -2020.   Aniya, nasa 2.5 hanggang 3.5 milyong estudyente naman ang hindi nakapag-enroll ngayong school year 2020 […]

  • Velasco, nanumpa sa harap ni Pangulong Duterte bilang Speaker ng Kamara

    NANUMPA si Speaker Lord Allan Velasco bilang pinuno ng Mababang Kapulungan ng Kongreso kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa isang pribadong seremonya na idinaos sa Rizal Hall ng palasyo ng Malacanang, Lunes ng gabi.   “Lubos po ang aking kagalakan at pasasalamat sa ating Pangulo na labis ko pong hinahangaan at iginagalang. Tinatanaw ko po […]