Robredo voters lumobo habang Marcos dumapa nang kaunti sa survey — Pulse Asia
- Published on April 7, 2022
- by @peoplesbalita
BAHAGYANG nabawasan ang mga Pinoy na iboboto sa pagkapangulo si survey frontrunner Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. habang umakyat naman ang mga nagsabing kay Bise Presidente Leni Robredo sila ngayong Mayo 2022, ayon sa Pulse Asia.
Ito ang lumabas na resulta, Miyerkules, matapos ang pag-aaral na ginawa mula ika-17 hanggang ika-21 ng Marso sa 2,400 katao mula Metro Manila, nalalabing bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao.
Sinagot ng respondents ang sumusunod na tanong: “Sa mga taong nasa listahang ito, sino ang inyong iboboto bilang PRESIDENTE NG PILIPINAS kung ang eleksyon ng Mayo 2022 ay gaganapin ngayon at sila ang mga kandidato?”
Narito ang mga resulta:
Bongbong Marcos (56%)
Leni Robredo (24%)
“Isko Moreno” Domagoso (8%)
Manny Pacquiao (6%)
Ping Lacson (2%)
Faisal Mangondato (1%)
Ernie Abella (0.1%)
Jose Montemayor Jr. (0.05%)
Leody de Guzman (0.02%)
Norberto Gonzales (0%)
Hindi paalam/Tumanggi sumagot/Wala (3%)
Kapansin-pansing bumaba si Marcos sa bagong labas na survey, gayong nasa 60% ang nagsabing iboboto siya sa pag-aaral na isinagawa noong Pebrero.
Tumaas naman ng siyam na puntos si Robredo sa bagong survey gayong nasa 15% lang siya sa pag-aaral na inilabas noong nakaraang buwan.
Matatandaang hindi pa nangyayari ang mga higanteng mga campaign rallies ni Robredo noong isinagawa ang survey na inilabas noong nakaraang buwan.
“Former Senator Ferdinand Marcos, Jr. remains the frontrunner in the May 2022 presidential race (56%) while Manila Mayor Francisco Domagoso posts the highest second-choice voter preference (23%),” ayon sa pahayag ng Pulse Asia.
“[F]ew significant changes in voting figures occur between February 2022 and March 2022, with Vice-President Maria Leonor G. Robredo gaining support (+9 percentage points)”
Ayon pa sa research firm, halos walang nagbago mula sa February at March surveys maliban kina Marcos at Robredo.
Bumaba nang 5% ang electoral support kay BBM sa class D habang tumaas naman kay Robredo hindi lang sa buong Pilipinas (9%) kundi pati sa buong Luzon (14%), Mindanao (9%) at Class D (10%).
Ikinatuwa naman ng kampo ni VP Leni ang kinalabasan ng Pulse Asia survey at sinabing dahan-dahan nang pumipihit pabor sa kanila ang mga numero kasabay ng biglaang paglaki ng suporta sa bise presidente nitong mga nagdaang buwan at linggo. Tinawag nila itong “turning of the tide.”
“The survey numbers are starting to reflect what we have been seeing on the ground all along: the massive crowds, the fierce passion, the untiring commitment of Filipinos from all walks of life, coming together to rally behind Leni Robredo’s bid for the Presidency,” ani Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Robredo.
“This 13-point swing going into the last two months of the campaign clearly establishes what we have long known: that VP Leni has the momentum, which we expect will only further intensify and accelerate all the way to May 9.”
Aniya, malaki raw ang nagagawa sa ngayon ng kanilang supporters na patuloy sa pagbabahay-bahay at pagkumbinsi sa kapwa.
Samantala, patuloy namang nangunguna si UniTeam bet Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio pagdating sa pagkabise presidente matapos makakuha ng 56%. Sinundan naman siya nina Senate President Vicente Sotto III (20%) at Sen. Francis Pangilinan (15%).
“For the period February 2022 to March 2022, the only marked changes in first-choice voter preferences for vice-president are recorded by Senate President Sotto and Senator Pangilinan,” dagdag pa ng Pulse Asia.
“Support for the former eases in the rest of Luzon (-9 percentage points) while the reverse occurs in the latter’s case (+9 percentage points).”
Isinagawa ang Ulat ng Bayan survey sa sariling kapasidad ng research organization at hindi kinomisyon ninuman.
Bagama’t ganito ang mga numero, hindi ibig sabihing ang mga nabanggit na ang mananalo sa Mayo. (Daris Jose)
-
15 sabungero arestado sa tupada sa Caloocan at Malabon
Labing-limang katao ang arestado matapos ang isinagawang magkahiwalay na anti-illegal gambling operation ng pulisya sa Caloocan at Malabon cities. Kinilala ang naarestong mga suspek na si Francis Iquiran, 26, collector/kasador, Romeo Rioflorido, 44, Jojo Palogan, 48, Deolng Manggaporo, 48, Eduardo Cabillo, 26, Domingo Kionisala, 46, Jesus Delavin, 55, Raquel Cirera, 65, Rolando Verso, 46, […]
-
Tuloy na tuloy kahit may pandemya: SHARON, CHARO, DANIEL, CHRISTIAN at DINGDONG, ilang lang sa maglalaban-laban sa GEMS Awards
KAHIT na may pandemya, hindi nagpatinag ang GEMS – Hiyas ng Sining sa pagbibigay ng award. Headed by Mr. Norman Llaguno, inilabas na GEMS ang mga nominado sa iba’t-ibang kategorya. Virtual awarding lang muli dahil sa lockdown na naman tayo sa NCR although ang plano sana nila ay live awarding. Magaganap […]
-
Inbound travel sa Region 6, limitado
INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force ang kahilingan ng Western Visayas officials na limitahan ang inbound travel sa rehiyon bunsod ng patuloy na tumataas na infection. Ang mga biyahero mula sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal, Cebu City at Davao City ay pinagbabawalan na pumasok sa Region 6 kabilang na ang holiday island Boracay, […]