• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kamara naghahanda na sa canvassing of votes

NAGHAHANDA na ang Mababang Kapulungan ng Kongreso para sa Consolidation and Canvassing System (CCS) sa posisyon ng presidente at bise presidente sa bansa.

 

 

Sinabi ni House Secretary General Mark Llandro Mendoza na ang canvass of votes ay kabilang sa pinakamahalagang constitutional mandate ng Kongreso.

 

 

Nitong Lunes ay nagsagawa ang ilang mga mambabatas sa Kamara ng executive session para sa briefing ng Comelec sa National Board of Canvassers-Congress para sa paggamit ng CCS sa halalan.

 

 

Samantala, tiniyak naman ni Comelec Commissioner Marlon Casquejo sa publiko partikular na sa mga botante na bawat boto ay mabibilang ng tumpak.

 

 

Ang deployment ng CCS equipment ay inaasahan sa huling linggo ng Abril. (Daris Jose)

Other News
  • 1 PATAY, 6 SUGATAN INARARO NG KOTSE

    ISA ang patay habang anim ang sugatan nang araruhin ng isang kotse sa Binondo, Manila.   Inaalam pa ang pagkakakilanlan sa namatay habang kinilala ang mga nasugatan na sina Jerry del Rosario, 41, ng Montalban Rizal; Adriano Limse, 38 pedicab driver ng Kagitingan Tondo, Manila; Ryan Caranzo , 39 ng Dagupan, Tondo; Jonathan Ratin, 40 […]

  • After more than two years of pandemic… ‘Dantes Squad’, nakapagbakasyon na rin sa ibang bansa at first time ito ni SIXTO

    SA unang pagkakataon after more than two years of pandemic, nakalipad na rin at nakapagbakasyon ang Dantes Squad sa ibang bansa.       Nasa Singapore ngayon ang mag-asawang Kapuso Primetime King & Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, kasama ang dalawang anak nila na sina Zia at Sixto.       Siyempre, […]

  • Kobe Paras kinunsinte ng UP

    Wala umanong balak ang University of the Philippines (UP) na parusahan o pagsabihan  ang kanilang star player na si  Kobe Paras matapos masangkot sa 5-on-5 pickup game na tahasang pagsuway sa pinatutupad na general community quarantine (GCQ) protocols ng gobyerno kaugnay sa COVID-19 pandemic.   Ayon kay Perasol hindi niya inaasahan na pag-uusapan ang isyu sa online sessions ng Fighting Maroons […]