• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

La Salle ibinunton ang galit sa UST

IBINUHOS ng La Salle ang ngitngit sa University of Santo Tomas nang itarak ang 75-66 panalo sa UAAP Season 84 men’s basketball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pa­say City.

 

 

Nasandalan ng Green Ar­chers si Justine Baltazar na kumamada ng 20 points, 7 rebounds at 5 assists para sa kanilang ikaapat na pa­nalo at mapatatag ang kapit sa No. 2 spot tangan ang 4-1 baraha.

 

 

Magandag resbak ito para sa La Salle matapos yumuko sa nagdedepensang Ateneo noong Sa­bado.

 

 

Nakakuha ng solidong suporta si Baltazar mula kay Kurt Lojera na nagsu­mite ng 15 markers.

 

 

“I think it’s very important for us, this win. It’s be­cause after coming up with a loss against Ateneo, the thing that I told the boys  the important thing is how we bounce back,” ani La Salle coach Derrick Pumaren.

 

 

Nakuha ng Green Archers ang 19 puntos na ka­lamangan sa huling 1:42 sa third quarter.

 

 

Sinubukan ng Growling Tigers na makahirit matapos maibaba sa siyam na puntos ang bentahe ng Green Archers, 58-67, sa fourth quarter subalit iyon na lamang ang nakayanan ng Espana-based squad.

 

 

Bumida para sa UST sina Nic Cabanero at Joshua Fontanilla na may ptig-20 points.

 

 

Nahulog ang UST sa 2-3 baraha.

 

 

Sa ikalawang laro, ti­na­kasan ng UP Fighting Ma­roons ang Adamson Fal­cons, 73-71, para sa ka­nilang 4-1 kartada.

 

 

Nagtala si Zavier Lucero ng 20 points.

Other News
  • Nasa Los Angeles nang maganap dahil sa ‘BET Awards’: MARIAH CAREY, nanakawan na naman at sa bahay niya sa Atlanta, Georgia

    NILOOBAN ng mga magnanakaw ang bahay ni Mariah Carey sa Atlanta, Georgia.   Ayon sa ginawang imbestigasyon, tatlong lalake ang inaresto na may koneksyon sa pagnanakaw sa bahay ni Mariah. May force entry na ginawa sa back door ng bahay ng singer.   Heto ang official statement ng Sandy Springs Police Department: “The Miami-Dade Police […]

  • Christmas Tree Lighting ceremony sa Maynila, nagningning sa pamumuno ni Yorme Isko Moreno

    Sinimulan na noong Lunes, Nobyembre 23 ang pagdiriwang ng Kapaskuhan sa Lungsod ng Maynila matapos nating pailawan ang 45-feet Christmas Tree at ang mga parol sa Kartilya ng Katipunan.   Pinailawan din ang mga dekorasyon sa Bulwagang Rodriguez ng Manila City Hall, pati na rin sa National Parks Development Committee, Intramuros Administration, National Museum of […]

  • BSP sa financial institutions: Sundin ang mandatory 60-day grace period’ sa mga utang

    NAGPAALALA ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa lahat ng mga bangko o financial institutions na agad na sundin ang itinatadhana ng bagong batas na dalawang buwan na puwedeng hindi muna bayaran ang pagkakautang.   Sa ipinalabas na memorandum ni BSP Gov. Benjamin Diokno, sinabi nito na ang 60-days na grace period sa mga loans […]