• April 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Donaire pinaghahandaan na ang rematch kay Inoue

SIMULA na ng pukpukang ensayo ni World Boxing Council (WBC) bantamweight champion Nonito “The Fil­ipino Flash” Donaire para sa kanilang unification bout ni World Boxing Association (WBA) at International Bo­xing Federation (IBF) bantamweight king Naoya Inoue.

 

 

Nakatakda ang blockbuster rematch nina Donaire at Inoue sa Hunyo 7 sa Super Arena sa Saitama, Japan.

 

 

Sa unang araw ng ensayo ni Donaire ay sumalang kaagad siya sa sparring session.

 

 

Anim na rounds ang pinagdaanan ni Donaire at gusto pa sanang sumalang sa dagdag na dalawang rounds.

 

 

Subalit pinigilan siya ng kanyang coach dahil ayaw ni­tong masunog ang Pinoy champion lalo pa’t matagal-tagal pa naman ang laban kay Inoue.

 

 

“Six rounds logged. First sparring scheduled for four, I wanted eight rounds but coach stopped me since we have 10 weeks to go,” pahayag ni Donaire. “Big thanks to Angelo Leo for the work.”

 

 

Matagal nang hinihintay ni Donaire na maikasa ang rematch niya sa Japanese pug.

 

 

Kaya naman desidido si Donaire na makaresbak sa pag­kakataong ito matapos makalasap ng unanimous de­­cision loss kay Inoue sa finals ng World Boxing Super Se­ries noong 2019.

Other News
  • MIGUEL at YSABEL, pinaghandaan ang pagganap bilang Steve at Jamie; kumpleto na ang mga bida ng ‘Voltes V: Legacy’

    KUMPLETO na ang limang bida ng Voltes V: Legacy dahil ini-reveal na last Wednesday ng GMA Network sa 24 Oras ang napiling magbibigay buhay kina Steve Armstrong at Jamie Robinson.      Si Miguel Tanfelix nga ang napiling gumanap bilang Steve, ang Voltes team leader at piloto ng Volt Cruiser at si Ysabel Ortega naman […]

  • Higit 17 milyong SIM cards, nairehistro na; registration hanggang Abril 26

    UMAABOT  na umano sa mahigit 17 milyon ang mga SIM cards na nairehistro na sa bansa.     Ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT), batay sa datos ng National Telecommunications Commission (NTC), hanggang Enero 10, 2023, umaabot na sa mahigit 17 milyon ang rehistradong SIM cards.     Ito ay 10.13% anila […]

  • PNP units naka-alerto vs NPA attacks – Eleazar

    Ipinag-utos ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar sa lahat ng mga unit commanders na maging alerto at paigtingin ang kanilang police operations laban sa CPP-NPA-NDF, kasunod sa nangyaring bomb attack sa Iloilo na ikinasugat ng dalawang pulis.     Pinasisiguro ni Eleazar sa mga commanders na huwag bigyan ng pagkakataon ang komunistang grupo na makapag […]