DOLE naglaan ng P100-M para sa free COVID-19 testing sa mga newly-hired employees
- Published on April 11, 2022
- by @peoplesbalita
NAGTALAGA ng nasa Php100 milyon ang Department of Labor and Employment (DOLE) para sa kanilang programa libreng COVID-19 testing sa mga bagong hire na manggagawa.
Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na layunin nito na bawasan ang bigat ng pasanin ng mga kababayan nating newly -hired jobseekers sa iba’t ibang sektor.
Ang naturang programa ay alinsunod sa DOLE Department Order 232, series of 2022 na nilagdaan ni Bello na sumasaklaw sa mga jobseekers mula Pebrero 1, 2022 na hindi pa nakakakuha ng posisyon dahil sa kawalan ng negatibong resulta ng RT-PCR test.
Kinakailangan lamang na magsumite ang mga new hire ng photocopy ng valid government-issued ID , duly accomplished subsidy application form at iba pa sa pinakamalapit na DOLE field office upang agad itong ma-endorso sa mga kinauukulang regional office matapos ito ma-evaluate.
Makakatanggap naman ng email o SMS ang mga aplikante sa loob ng five working days na naglalaman kung kung aprubado ba ito o hindi.
Samantala, sinabi naman kagawaran na upang matiyak naman na mahigpit na nababantayan ang nasabing programa ay inatasan ang lahat ng DOLE regional offices na mag-sumite ng weekly monitoring reports sa Bureau of Local Employment. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
-
Huwag nang hintayin pa ang ‘last minute’
UMAPELA ang pamahalaan sa mga motorista na huwag nang hintayin pa ang “last minute” para makakuha ng radio frequency identification (RFID) stickers at maipakabit sa kanilang sasakyan. Bahagi ito ng paghahanda para sa cashless scheme sa mga major toll roads simula sa Disyembre. Sinabi ni Presidential spokesman Harry Roque na iniurong ng Department […]
-
Online PSC National Sports Summit tuloy sa Miyerkoles
TULOY ang pagdaraos ng Philippine Sports Commission (PSC) National Sports Summit sa isang tatlong-bahagi na programa na may serye na lingguhang sesyon sa online simula sa Miyerkoles, Enero 27. “We wanted to push through with this because we know it will be useful to know where we are now from where we were […]
-
Castro, pinaigting ang pagpapatupad ng panlalawigang ordinansa ukol sa labis na kargang trak at proteksiyon ng kapaligiran
MAHIGPIT na ipinatutupad nina Gob. Daniel R. Fernando at Bise Gob. Alexis C. Castro ang kanilang direktiba kaugnay sa istriktong implementasyon ng panlalawigang ordinansa laban sa sobra-sobrang karga ng trak at proteksyon sa kapaligiran sa ginanap na pulong sa Balagtas Hall sa Hiyas ng Bulacan Convention Center dito kamakailan. Ipinaalala ni Fernando sa […]