PDu30, gustong palitan ni Roque si Gordon sa Senado
- Published on April 13, 2022
- by @peoplesbalita
NAIS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na palitan ni dating presidential spokesperson at senatorial bet Harry Roque si reelectionist senator at Philippine Red Cross (PRC) chairperson Richard Gordon sa Senado.
“I think you should really be in the Senate…Dapat ‘yan kagaya nila Gordon, palitan mo na ‘yan,” ang tinuran ni Pangulong Duterte kay Roque sa second episode ng President’s Chatroom na in-ere ng state-run PTV-4, Linggo ng gabi.
Muling binanatan ni Pangulong Duterte si Gordon para sa ginagawa nitong imbestigasyon sa di umano’y irregular contracts ng gobyerno sa Pharmally Pharmaceutical Corp. para magbigay ng medical supplies sa kasagsagan ng Covid-19 pandemic noong 2020.
Aniya pa, tila “inihaw” ng ilang oras nina Gordon at ng iba pang senador ang kanyang mga Cabinet officials, sinayang ang oras na dapat sana ay nagamit sa kanilang trabaho.
“The only thing really that I was not in agreement with them was tinatawag nila, nandiyan sa umaga, in the morning, and yet the whole day nakaupo sila doon, hindi sila tinatawag at all,” ayon kay Pangulong Duterte.
Para naman kay Roque, inilarawan nito nang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon committee sa pangunguna ni Gordon bilang “in aid of election.”
“Wala naman silang kahit anong batas na binuo. Tapos ni hindi man lang nakakuha ng mayorya ng mga senador para pirmahan ‘yung report. So talagang wala pa pong report ‘yan ,” ayon pa rin kay Roque.
Nakahihiya rin aniya sa parte ni Gordon na gamitin ang PRC sa kanyang political advertisements.
“Nakakahiya po na tayo lang ‘yung mayroong chairman na ginagamit ‘yung Red Cross sa advertisement niya sa eleksiyon,” anito.
Sakali aniya at palarin si Roque na makaupo sa Senado ay maaari na niyang ipaalam sa International Red Cross ang tungkol sa di umano’y “misdeeds” ni Gordon.
“Kaya gusto ko nandiyan ka sa Senado. Hihingiin ko lang magsabi ka lang ng totoo. Mag-privilege speech ka lang and you just tell the truth and nothing but the truth para malaman ng tao, para malaman ng International Red Cross kung anong ginagawa nitong kumag na ‘to,” dagdag na pahayag nito.
Nauna rito, sinabi ni Pangulong Duterte na ginamit ni Gordon ang PRC bilang kanyang “milking cow” para pondohan ang kanyang election campaign. (Daris Jose)
-
5k healthcare workers na mangingibang- bansa para magtrabaho, simula na sa Enero 1, 2021
NAKATAKDANG magsimula sa Enero 1, 2021 ang bagong polisiya ng pamahalaan na pinapayagan ang 5,000 healthcare workers na mangingibang- bansa para magtrabaho kada taon. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, masusing pinag-aralan nina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at ng COVID-19 task force ang nasabing usapin. “Ipinairal ang balancing of interests kung saan tiningnan […]
-
Kahit na pilay: Pingris, aayuda sa Gilas
KAHIT NA hindi makakalarong muli sa Gilas Pilipinas, aasiste naman sa kahit anong paraan si Jean Marc Pingris sa kampanya ng national team sa first window ng 2021 International Basketball Federation o FIBA Asia Cup Qualifiers. Sumugod pa rin ang Magnolia Hotshots Pambansang Manok player sa ensayo ng Philippine Basketball Association (PBA) Gilas pool […]
-
Ilang miyembro ng Paralympic team positibo sa COVID-19
Bagama’t may nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) ay natuloy pa rin ang biyahe ng limang national para athletes kahapon para lumahok sa Paralympic Games sa Tokyo, Japan. Sinabi kahapon ni Philippine Paralympic Committee (PPC) president Mike Barredo na isang para athlete at ilang opisyales at coaches ang COVID-19 positive. Hindi binanggit ni Barredo […]