• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PDu30, nagsagawa ng aerial inspection sa ‘Agaton’-hit Baybay City

KAHIT Biyernes Santo o Mahal na Araw ay nagsagawa pa rin si Pangulong Rodrigo Roa Duterte nang aerial inspection sa Baybay City, lalawigan ng Leyte, isa sa mga lugar sa Eastern Visayas na hinambalos ng Tropical Depression Agaton ngayong linggo.

 

 

Kasama ng Pangulo si Senador Christopher “Bong” Go, na lumapag sa Ormoc City.

 

 

Nakipagkita rin ang Pangulo sa mga opisyal ng concerned government agencies at local government units para i-assess ang danyos o pinsala at bisitahin ang one-stop center para sa mga indigent patients, ang Malasakit Center, sa Western Leyte Provincial Hospital.

 

 

Ang Baybay City ay inilagay sa ilalim ng state of calamity dahil smassive landslides at pagbaha na dahilan ng pagkamatay ng mahigit 100 katao.

 

 

Ang kabuuang bilang ng namatay na naiulat sa lugar na matinding tinamaan ni “Agaton” ay umabot na sa 137, ayon sa 8 a.m. report na ipinalabas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, araw ng Biyernes.

 

 

Sa nasabing bilang, may 128 katao ang mula sa Eastern Visayas, anim naman ang mula sa Western Visayas, at tatlo mula sa Davao region.

 

 

Naapektuhan din ang 2,068 barangay sa Bicol region, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Davao Region, Soccsksargen, Caraga, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

 

 

Tinatayang 65,130 pamilya naman ang nananatili sa evacuation centers.

 

 

May kabuuang 75 lungsod at munisipalidad ang nakaranas ng power interruption. Naibalik pa lamang ang suplay ng kuryente sa 11 lugar.

 

 

Sa kabilang dako, may 9,266 kabahayan naman ang naiulat na labis na napinsala sa Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Davao Region, Soccsksargen, at Caraga.

 

 

Tinatayang pumalo na sa P186,632,976.31 ang halaga ng napinsala sa agrikultura sa Western Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, Soccksksargen, at BARMM.

 

 

Ang pinsala naman sa imprastraktura ay umabot na sa P2.96 milyon sa Western Visayas, Central Visayas, Northern Mindanao, at BARMM.

 

 

Samantala, tiniyak naman ng Malakanyang na mahigpit na naka-monitor ang executive branch sa situwasyon sa mga typhoon-hit areas, at maging sa “response efforts” ng pamahalaan. (Daris Jose)

Other News
  • GEOFF, palaging galit na galit sa eksena kaya ang ‘OA’ ng dating ng acting; dapat magpaturo kina MICHAEL at GINA

    HINDI ba napapansin ng tatlong director ng FPJ’s Ang Probinsyano na sina Coco Martin, Malu Sevilla at Albert Langitan ang masamang acting ni Geoff Eigenmann?     Aba eh lagi na lang siyang galit na galit sa mga eksena niya. Kaya ang OA tuloy ng dating niya.     Hindi ba niya alam ang restrained […]

  • LAKERS, ISUSUOT ANG ‘BLACK MAMBA’ JERSEY SA GAME 5 NG NBA FINALS

    SUSUOTIN ng Los Angeles Lakers ang kanilang “Black Mamba” uniform, na dinisenyo bilang pagpupugay sa namayapang si Kobe Bryant, sa darating na Game 5 ng NBA Finals.   Ayon sa mga impormante, maliban noong Game 2 ay sa Game 7 pa raw sana nila susuotin ang black alternative uniform.   Pero sa Sabado kasi ay […]

  • BIKTIMA NG ILLEGAL RECRUITMENT, NASABAT SA CLARK AIRPORT

    NASABAT ng mga miYembro ng Bureau of Immigration (BI) Travel Control and Enforcement Unit (TCEU)  Clark International Airport ang isang papaalis na  biktima ng isang illegal recruitment na patungo sa Dubai.     Ang biktima na hindi pinangalanan ay tinangka nitong umallis patungo sa Dubai sakay sana ng  Emirates Airlines  sa pamamagitan ng pagpapakita ng […]