• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

UAAP volley hahataw na!

MULING masisilayan ang umaatikabong aksyon tampok ang matitikas na collegiate volleyball stars sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 84 women’s volleyball tournament.

 

 

Nakatakdang umarangkada ang bakbakan sa Mayo 5 matapos ang pagdaraos ng men’s basketball tournament.

 

 

Kaya naman pagkakataon na ng mga fans na masilayan ang kanilang hinahangaang volleyball players sa collegiate level.

 

 

Ito ang masayang inihayag ni UAAP executive director Rebo Saguisag kung saan umaasa ito na magiging matagumpay din ang pagdaraos sa volleyball tournament gaya ng kasalukuyang ginaganap na men’s basketball event.

 

 

Nasa maluwag na qua­rantine protocols na ang buong Metro Manila kaya’t inaasahang mas magiging maluwag na rin ang UAAP at ang Commission on Higher Education (CHED) sa pagpapatupad ng safety and health protocols.

Other News
  • Pagbabayad ng utang sa Philippine National Red Cross, kayang bayaran ng buo

    SINABI ng Malakanyang na walang problema sa usapin ng pondo ang pamahalaan para mabayaran ang utang ng PHILHEALTH sa Philippine National Red Cross.   Giit ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kung sa kakayahang magbayad ng gobyerno para ayusin na ang atraso sa PNRC ay kaya naman nito.   Iyon nga lamang ay kailangan lang […]

  • Pagdeklara kay PATAFA Prexy Philip Juico na persona non grata,’null & void’ at wala sa POC jurisdiction -PATAFA chairman

    Tiniyak na Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) na hindi nila palalagpasin ang ginawang hakbang ng Philippine Olympics Committee kung saan kinatigan ang umano’y ‘harassment case’ na idinulog ni Olympian pole vaulter EJ Obiena laban sa kanilang presidente na si Philip Juico.     Ito’y mayroong kaugnayan sa POC ethics committee investigation findings na […]

  • “BAWAL ang caroling sa Maynila.”

    ITO ang ipinahayag ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ngayong araw kung saan hindi papayagan ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila ang pangangaroling ngayong Kapaskuhan.   Ang naturang pahayag ni Domagoso ay alinsunod sa ipinapatupad na alituntunin ng Inter-Agency Task Force (IATF) hinggil sa pinapairal na health protocols upang hindi na kumalat pa ang […]