Galvez, suportado ang 2nd booster shot para sa ibang sektor
- Published on April 29, 2022
- by @peoplesbalita
UMAPELA si National Task Force (NTF) against Covid-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr. sa Health Technology Assessment Council (HTAC) na bilisan ang pag-apruba sa second booster shots na ibibigay sa mas maraming vulnerable sectors at isama ang iba pang priority sectors sa kanilang rekomendasyon.
Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, araw ng Miyerkules, tinukoy ni Galvez ang pangangailangan na bilisan o i- fast-track ang pagtuturok ng booster shots sa iba pang vulnerable sectors gaya ng healthcare workers, senior citizens, at persons with comorbidities sa gitna ng banta ng humihinang immunity vaccines at posibleng surge ng mga kaso.
“Because of the current urgency of the situation, we are appealing to the HTAC to expedite the inclusion of health care workers, seniors and other vulnerable sectors para po mapataas significantly ang ating bakunahan ,” ayon kay Galvez.
Sinabi pa ni Galvez na dapat ikunsidera ng HTAC at Food and Drug Administration (FDA) ng bansa ang pagbibigay ng second booster doses sa mga overseas Filipino workers, seafarers, at uniformed personnel.
“HTAC/FDA should also look and include the seafarers, OFWs and uniformed personnel to be included in the priority due to their long duration deployment to [high-risk] and vulnerable areas,” ani Galvez.
Sa ngayon, mayroon ng 2,108 fully vaccinated immunocompromised individuals ang nakatanggap ng second booster shots simula ng official rollout nito, araw ng Lunes. (Daris Jose)
-
14- anyos na dalagita ginahasa ng kainuman
MAAGANG nasira ang kinabukasan ng isang 14-anyos na dalagita matapos puwersahan pinainom muna ng alak bago pinagsamantalahan ng 17-anyos na binatilyo makaraang malasing ang biktima kamakalawa ng gabi sa Malabon city. Kaagad namang naaresto ng mga barangay tanod ng Brgy. Hulong Duhat ang suspek na itinago sa pangalang “Ronald” makaraang makapaghain ng reklamo ang […]
-
53 lugar sa QC isinailalim sa lockdown, ayuda para sa 2 kumbento ng mga madre ipinadala na matapos ang Covid-19 outbreak
Nadagdagan pa ang mga lugar dito sa Quezon City na isinailalim sa Special Concern Lockdown dahil sa pagtaas ng bilang ng kaso ng Covid-19. Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte nasa 53 na mga lugar ngayon ang nasa granular lockdown. Nilinaw ng Alkalde na partikular lugar lamang ang sakop ng […]
-
2 drug suspects nalambat sa Navotas buy-bust
ARESTADO ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos makuhanan ng higit sa P.6 milyon halaga ng shabu sa buy-bust operation ng pulisya sa Navotas City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Navotas Police Chief Col. Rolando Balasabas ang naarestong mga suspek na si Michael Manalaysay, 41 ng M. Domingo St. Brgy. Tangos North […]