• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

6 drug suspects arestado sa Valenzuela buy-bust

Timbog ang anim na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga, kabilang ang isang misis ang sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.

 

Ayon kay Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) investigator PCpl Christopher Quiao, alas-12:40 ng madaling araw nang isagawa ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLT Robin Santos sa lilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Fernando Ortega ang buy-bust operation sa 2012 Santos Subdivision Gen T. De Leon.

 

Kaagad sinunggaban ng mga operatiba ang kanilang target na si Racquel Dela Cruz, 40, matapos bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

 

Kasama ring dinampot ng mga operatiba si Jojit Paredes, 46, company driver, Joselito Karandang, 50, at Rainer Bautista, 47, electrician matapos maaktuhang sumisinghot ng shabu.

 

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 2 gramo ng shabu na nasa P13,600 ang halaga, buy-bust money, P500 bill at ilang drug paraphernalias.

 

Nauna rito, alas-7 ng gabi nang madakma din ng mga operatiba ng kabilang team ng SDEU si John Bernard Adriano alyas Pusa, 25, at Jomar Marquez, 33, sa buy-bust operation sa Urrutia St. Gen. T. De Leon.

 

Ani SDEU investigator PSSg Carlito Nerit Jr., narekober sa mga suspek ang isang gramo ng shabu na nasa P6,800 ang halaga, at P300 buy-bust money. (Richard Mesa)

Other News
  • 1.7M na RFID stickers nakabit sa mga sasakyan, SMC humihing ng extension sa deadline

    Naitala ng San Miguel Corporation (SMC) na may 1.7 million na RFID stickers ang nakabit na sa mga sasakyan subalit humihing pa rin na palawigin pa ang deadline ng paglalagay ng cashless transaction policy sa lahat ng expressways.   Hiniling ni SMC president Ramon Ang sa Department of Transportation (DOTr) na bigyan nila ng konsiderasyon […]

  • 9 senador pabor sa extension ng ABS-CBN operation

    SIYAM na senador ang naghain kamakalawa ng concurrent resolution na naglalayong payagan ng Kongreso na makapag-operate ang ABS-CBN habang tinatalakay pa ngayong 18th Congress ang renewal ng kanilang prangkisa na mapapaso na sa Mayo 4 ng taong ito.   Ang mga senador na kasama sa naghain ng Senate Concurrent Resolution 7 ay sina Senate Majority […]

  • Kelot tinodas ng riding-in-tandem sa Malabon

    DUGUANG humandusay ang katawan ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng isa sa dalawang hindi kilalang mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo habang nakatayo sa harapan ng inuupahang apartment sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.     Dead-on-arrival sa Manila Central University (MCU) Hospital sanhi ng tinamong mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan […]