BINATANG HELPER, TODAS SA DATING KAALITAN
- Published on May 12, 2022
- by @peoplesbalita
PATAY ang isang 50-anyos na helper nang pagsasaksakin ng dati nitong kaalitan nang nag-krus ang kanilang landas sa isang eskinita sa Tondo, Manila Martes ng hapon.
Hindi na umabot ng buhay sa Gat Andres Bonifacio Medical Center ang biktimang si Ronnie Alcoriza Y Escurel ng 368 Padre Rada St., Brgy. 26, Tondo, Manila dahil sa tinamong mga saksak sa katawan habang ang suspek ay kinilalang si Gerald Garcia y Dasmariñas , binata, nasa wastong edad ng 931 Int. 3, Asuncion Cor. St. Mary Streets, Brgy. 13, Tondo, Manila na kasalukuyang pinaghahanap ng pulisya.
Sa ulat ni PSMSgt Jansen Rey San Pedro, ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong alas-12:40 kamakalawa ng hapon nang naganap ang insidente nang nakasalubong ang dalawa sa isang eskinita sa Bartolome St., Brgy 13, Tondo, Manila at walang sabi-sabing pinagsasaksak ng suspek ang biktima.
Nabatid na may matagal nang alitan ang dalawa kaya nang nag-krus ng landas nila ay dito na isinagawa ang paghihiganti ng suspek.
Matapos ang pananaksak ay mabilis na tumakas ang suspek dala ang ginamit na patalim. (GENE ADSUARA )
-
Lambda variant, hindi variant of concern- Sec. Duque
ITINUTURING ng pamahalaan na variant of interest at hindi variant of concern ang Lambda variant ng Covid 19 na mula naman sa mg bansang Peru at sa Latin America. Sa press briefing ni Presidential Spokesperson Harry Roque, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na bagama’t hindi naman nakakaalarma ang Lambda variant ay mananatili […]
-
Higit 100,000 staff ide-deploy sa census nationwide
Inaanyayahan ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang publiko na makiisa sa 2020 Census of Population and Housing na gagawin sa darating na Setyembre 2020. Sa launching ng 2020 census, binigyan diin ni PSA undersecretary at National Statistician Dennis Mapa ang kahalagahan ng naturang hakbang na pinaglaanan ng P3.8 billion na pondo. Iginiit ni […]
-
DOH pinaiiwas muna ang publiko sa Christmas caroling dahil sa COVID-19
PINAIIWAS muna ng Department of Health (DOH) ang publiko sa mga nakagawiang aktibidad tuwing holiday season tulad ng Christmas caroling dahil sa banta ng COVID-19. Pahayag ito ng ahensya sa gitna ng mga paghahanda sa ilang tradisyon tuwing sasapit ang Pasko at Bagong Taon. “Let us limit the number of people in social […]