• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Transport advocacy group, nanawagan sa Marcos admin na resolbahin ang problema sa transportasyon sa bansa

NANAWAGAN ang isang transpory advocacy group sa Marcos administration na resolbahin ang mga balakid sa transportasyon sa bansa na nagdudulot ng stress sa mga manggagawang commuters na nahihirapan sa pagsakay para makapasok sakanilang mga trabaho at pauwi ng bahay sa araw-araw.

 

 

 

Iginiit ni Passenger Forum Convener Primo Morillo na kailangan ng long-term solution para sa maresolba ang araw-araw na problema ng mga mangagawa na nagcocomute lamang lalo na sa Metro Manila at iba pang urban areas.

 

 

 

Aniya, ito ang unang malaking hamon sa bagong administrasyon dahil maraming mga Pilipino ang nahihirapan bunsod ng nakakapanlumong sitwasyon ng transportasyon sa bansa.

 

 

 

Nagre-reflect aniya ito sa lumabas na survey mula sa 2022 Gallup Report on the State of Global Workplace na nagpapakita na ang mga manggagawa sa Pilipinas ang most stressed sa Southeast Asia.

 

 

 

Ipinunto ng grupo na ang contractualization, mababang sahod, mabagal na pandemic recovery, at transport crisis ang dahilan para sa physical at exhaustion ng mga manggagawang Pilipino.

Other News
  • Cash incentives naibigay na ng SMC sa mga Olympic medalists boxers

    Personal na iginawad ni San Miguel Corporation (SMC) president Ramon Ang ang mga cash incentives sa mga Tokyo Olympic medalist boxers na sina Eumir Marcial, Carlo Paalam at Nesthy Petecio.     Nakatanggap ng P2 milyon si bronze medalist boxer Marcial habang tig-P5 milyon naman sina silver medalist Carlo Paalam at Petecio.     Nangako […]

  • NLEX sablay sa bentahan vs barat na buyer

    BUKING na sa sektor ng negosyo na pinagbibili na ng may-ari ng North Luzon Expressway o NLEX Road Warriors ang prangkisa nito sa Philippine Basketball Association (PBA).   Nabatid sa isang impormante na may nakikipagnegosasyong isang malaking kompanya sa pangasiwaan ng Road Warriors para sa bentahan ng isa sa tatlong PBA team ni Manuel V. […]

  • Magaan na virus restrictions, inirekomenda ng MM mayors

    INIREKOMENDA ng mga Metro Manila mayors ang pagpapagaan ng virus restrictions sa capital region. Ang rekumendasyon ng mga MM mayors ay isang araw bago mapaso ang modified enhanced community quarantine. Nagkaisa ang mga local chief executives sa MM capital na manawagan kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na isailalim na sa strict general community quarantine ang […]