“Special economic at freeport zone” sa Bulacan Airport City, bineto ni PBBM- Malakanyang
- Published on July 4, 2022
- by @peoplesbalita
BINETO (VETO) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang batas na magtatayo ng “special economic at freeport zone” sa Bulacan Airport City.
Sa isang text message, kinumpirma ni PCOO at Press Secretary Trixie Angeles na bineto (veto) ng Pangulo ang nasabing batas.
“We confirm that the president signed the veto of HB 7575 entitled, “AN ACT ESTABLISHING THE BULACAN AIRPORT CITY SPECIAL ECONOMIC ZONE AND FREEPORT, PROVINCE OF BULACAN AND APPROPRIATING FUNDS THEREFOR.”
The constitution requires that in case of a veto, the bill shall be returned to the House where it originated, along with the President’s objections. Attached hereto are the objections and explanation of the veto,” ayon kay Angeles.
Sa ulat, tinatayang nasa $15 bilyon ang inilagak na puhunan ng San Miguel Corporation para sa pagpapatayo sa airport.
Nakasaad sa liham ni Pangulong Marcos sa Kongreso kahapon, Hulyo 1, na pasisikipin nito ang tax base ng bansa.
Bukod pa sa magdudulot lamang kasi ito ng fiscal risk at may conflict sa ibang sangay ng ahensya ng pamahalaan.
Samantala, ipinag-utos ni Pangulong Marcos sa NANTIONAL Economic and Development Authority at Regional Development Council na pag-aralang mabuti ang panukalang batas.
Tinatayang nasa 100 milyong pasahero ang masi-serbisyuhan sana ng Bulacan airport kapag naging operational na.
Buwan ng Mayo nang pinal nang pinagtibay ng Senado sa third at final reading ang panukalang magtayo ng Bulacan Airport City Special Economic Zone at Freeport Authority (BACSEZFA).
21 Senador ang bumoto pabor habang walang tumutol nang isalang ang Senate Bill no. 7575 para sa pagtatayo ng domestic at international airport sa lalawigan.
Isa ito sa nakikitang solusyon ng Kongreso para tuluyang madecongest ang Metro Manila bukod pa sa inaasahang maibibigay na trabaho sa milyun-milyong mga Pilipino.
Sa panukalang Bulacan Air Hub, ididesenyo ito para ma-accomodate ang hanggang 100 milyong biyahero kada taon.
Maglalagay din ng special economic zone at freeport authority para sa malayang pagpasok at paglabas ng mga produkto.
Noong nakaraang taon, binigyan na ng 50 taong prangkisa ang San Miguel Corporation para magtayo at mag-operate ng domestic at international airport sa may 2,500 ektaryang lupain sa Bulacan. (Daris Jose)
-
Philippines-China agreement, makatutulong na buhayin muli ang local steel industry — envoy
MAKATUTULONG na muling buhayin ang steel industry ng bansa ang nilagdaang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at China. “Kung titingnan po natin iyong 14 agreements, nakikita po naman natin na mukhang solid naman ang mga proyekto na nasa table ngayon. Halimbawa po, iyong agreement ng Baowu Steel at SteelAsia,” ayon kay Philippine Ambassador […]
-
Quo warranto vs ABS-CBN, sa Marso 10 pa aaksyunan – SC
IPINAGPALIBAN ng Supreme Court (SC) ang pag-aksiyon sa quo warranto petition na inihain ni Solicitor General (SolGen) Jose Calida laban sa ABS-CBN franchise. Pasok sa agenda ng En Banc session kahapon (Miyerkules), ang quo warranto at gag order petitios ng SolGen laban sa Kapamilya Network pero batay sa mapagkakatiwalaang source sa Korte Suprema, ipinagpaliban […]
-
MAHIGIT 5MILYON BAGONG BOTANTE, NAITALA
NAKAPAGTALA na ng 5.77 milyong bagong botante ang Commission on Elections isang buwan bago ang itinakdang deadline ng voter registration para sa 2022 . Ayon may Commissioner Rowena Guanzon malapit na sa target ng Comelec na maaring makapagrehistrong botante. Sa isang forum na inorganisa ng Catholic Educational Association of the Philippines, […]