• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, nagsagawa ng pangalawang Cabinet meeting via teleconference

PINANGUNAHAN ni Pangulong  Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pangalawang Cabinet meeting, araw ng Martes sa pamamagitan ng teleconference.

 

 

HIndi ‘physically present’ si Pangulong Marcos sa meeting na isinagawa sa  Presidential Guest House  dahil patuloy siyang nasa isolation  matapos na magpositibo sa COVID-19 testing  noong nakaraang linggo.

 

 

Bumuti naman ang kalusugan ng Pangulo at siya ay “is on his way to a complete recovery,” ayon sa doktor nito, araw ng Lunes.

 

 

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, kabilang sa mga naging paksa na tinalakay sa meeting na nagsimula alas-9 ng umaga ay ang “2023 national budget, “Build, Build, Build” at ang infrastructure convergence programs, at maging ang priority transportation programs and projects.”

 

 

Ang inisyal na plano ng Department of Budget and Management (DBM) at Department of Public Works and Highways (DPWH) ay napag-usapan din.

 

 

Matatandaang, nagsagawa ng kanyang unang Cabinet meeting si Pangulong Marcos noong Hulyo 5. (Daris Jose)

Other News
  • Panawagan ng Malakanyang sa mga Padre de pamilya, higpitan ang mga bata ngayong simula na ang 2 week ECQ

    NANAWAGAN ang Malakanyang sa mga padre de pamilya na gumamit na nang baston kung kakailanganin para huwag palabasin ang kanilang mga tsikiting ngayon at nagsimula na ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa Kalakhang Maynila.   Ang ECQ ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ay tatagal ng dalawang linggo mula Agosto 6 hanggang 20.   Ang […]

  • NLEX sablay sa bentahan vs barat na buyer

    BUKING na sa sektor ng negosyo na pinagbibili na ng may-ari ng North Luzon Expressway o NLEX Road Warriors ang prangkisa nito sa Philippine Basketball Association (PBA).   Nabatid sa isang impormante na may nakikipagnegosasyong isang malaking kompanya sa pangasiwaan ng Road Warriors para sa bentahan ng isa sa tatlong PBA team ni Manuel V. […]

  • Watch Technician ginulpi ng rider

    SA ospital ang bagsak ng 46-anyos na watch technician nang gulpihin ng isang rider na sinaway ng biktima dahil sa pagparada sa no-parking zone sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.   Duguan nang humingi ng tulong at itakbo sa ospital ng mga opisyal at tanod  ng  barangay si Elmer Sanchez, ng  684 Rizal Avenue Extension, […]