• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LTO, nangangailangan ng P6.8 bilyong piso para maresolba ang problema sa backlog ng plaka

TINATAYANG aabot sa P6.8 bilyong piso ang kailangang pondo ng Land Transportation Office (LTO) para matugunan ang usapin sa isyu ng kakulangan sa plaka.

 

 

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni LTO OIC Atty Romeo Vera Cruz na malaki ang kanilang backlog lalo na sa motorsiklo.

 

 

Sinabi pa ni Vera Cruz, tanging Kongreso ang makapagbibigay sa kanila ng kailangang funding.

 

 

Tinuran pa ni Vera Cruz, kung tutuusin ay wala namang problema sa produksiyon ng plaka gayung mayroon aniya silang modern plate making plant.

 

 

Sinasabing may dalawang robot din aniya silang ginagamit para sa pagpo-produce para sa motorcycle plate at isa pa para sa wheel drive kayat walang problema sa backlog ani Vera Cruz basta’t naririyan lang ang pondo. (Daris Jose)

Other News
  • Azkals star James Younghusband, inanunsyo ang pagreretiro sa football

    Pormal nang nagretiro sa paglalaro ng football si Philippine Azkals star James Younghusband.   Anunsyo ito ni Younghusband sa social media, pitong buwan makaraang tuldukan na rin ng kanyang nakababatang kapatid na si Phil ang kanyang karera sa football.   Sa kanyang social media post, todo pasalamat ang 33-anyos na si Younghusband sa lahat ng […]

  • Motorcycle experts, ikinababahala ang prototype design

    Posible umanong makaapekto ang protective shield na nakalagay sa inilabas na prototype design ng Ainter-Angency Task Force (IATF) para sa mga motorsiklong papayagan mag-angkas simula noong Biyernes, July 10.   Ayon sa ilang eksperto sa motorsiklo. lubha raw kasing delikado ang protective shield na ito para sa aerodynamics ng motorsiklo lalo na kapag malakas ang […]

  • ‘Red flag’ itinaas ng DOH sa pagsirit ng COVID-19 cases

    Nakatakdang pulu­ngin ng Department of Health (DOH) ang mga opisyal ng iba’t ibang pagamutan sa Metro Manila matapos ang biglaang pagtaas muli ng kaso ng COVID-19 sa rehiyon.     Inamin ni Philippine General Hospital spokesperson Jonas del Rosario na nakararanas sila ngayon ng “red flag” dahil sa pagsirit ng mga kaso sa maigsing panahon. […]