Imprastraktura dahil sa Abra quake sumirit na sa P1B
- Published on August 3, 2022
- by @peoplesbalita
UMABOT na sa mahigit isang bilyon ang halaga ng nasirang imprastraktura dahil sa magnitude 7 na pagyanig sa Abra, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Martes.
Batay sa inilabas na situational report ng ahensya nitong alas-8 ng umaga, 1,470 na ang kabuuang bilang ng nasirang imprastraktura na siyang nagkakahalaga ng Php1,252,288,371.81.
Sa 1,470, 722 dito ay mula sa Cordillera Administrative Region (CAR), 596 mula Region 1, 131 mula Region 2, 12 mula National Capital Region (NCR), at 9 mula Region 3.
Dagdag pa rito, inulat din ng NDRRMC na sumipa na sa P15,264,476 ang kabuuang halaga ng produksiyong nawala at pinsala sa Kagawaran ng Agrikultura samantalang P4,500,000 naman sa National Irrigation Administration.
Bukod dito, iniulat din na nasa 1,248 indibidwal na ang inilikas at 27 munisipalidad na ang isinailalim sa state of calamity.
Batay sa pinakabagong datos ng ahensya, siyam na ang kabuuang bilang ng kumpirmadong nasawi dahil sa pagyanig na silang nagmula lahat sa CAR samantalang 376 naman ang nagtamo ng injury ?— 374 mula CAR at dalawa naman mula Region 2.
Nito lamang nakaraang Miyerkules, ika-27 ng Hulyo, niyanig ang Tayum, Abra na may lalim na 17 kilometero.
Bukod sa naturang probinsya, naramdaman din ang pagyanig sa mga karatig bayan nito at maging sa Metro Manila. (Ara Romero)
-
Suzara nanawagan kay Tolentino
PINAKIKIUSAPAN ng National Electronic Sports Federation of the Philippines (NESFP) ang Philippine Olympic Committee (POC) na ibahin ang desisyon sa pagtanggap sa miyembro na umaangking lehitimong national sports association (NSA) sa esports habang wala pang kinikilala ang International Olympic Committee (IOC) na international federation (IF) para sa sport. Isinalaysay ni NESFP President Ramon Suzara […]
-
ANDREA, naniniwala na kailangang i-maintain ang ‘well-balanced and healthy lifestyle’; honored na napiling endorser ng Beautéderm
SA last quarter ng 2021, may pasabog na naman ang patuloy na nangunguna na Beautéderm Corporation at pinagsisigawan na ‘take charge of your health’. Sa pamamagitan ito ng REIKO and KENZEN Beautéderm Health Boosters, na isang essential line ng mga health supplements na ine-endorse ng newest ambassador na si Andrea Brillantes. […]
-
South Commuter Railway Project, makalilikha ng 3,000 job opportunity
SINABI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tinatayang may 3,000 job opportunity ang aasahan sa pagsisimula ng South Commuter Railway Project (SCRP) sa North-South Commuter Railway (NSCR) System. Sa naging talumpati ng Pangulo sa isinagawang contract signing ng SCRP ng NSCR System for the Contract Packages S-01, S-03A at S-03C sa Palasyo […]