Babaeng football referee sa Japan labis ang kasiyahan matapos mapili na maging referee sa World Cup
- Published on August 3, 2022
- by @peoplesbalita
LABIS ang kasiyahan ni Yoshimi Yamashita matapos na mapili bilang kauna-unahang babaeng professional football referee ng Japan.
Ang 36-anyos na si Yamashita ay napiling magiging referee ng World Cup na gaganapin sa Qatar sa buwan ng Nobyembre.
Kasama nitong napili sina Stephanie Frappart ng France at Salima Mukansanga ng Rwanda.
sa kasalukuyan kasi ay naka-kontrata ito sa Japan Football Association at nagtuturo ito sa paaralan.
Siya rin ang unang babae na humawak ng football game ng mga kalalakihan.
Ang tatlong referee ay napili sa mga kabuuang 36 na referees para sa World Cup sa listahan na mayroong 69 na assistants.
-
VENUS, nakahanap ng fulfillment sa pagsisilbi sa Panginoon kesa maging aktibo sa showbiz;
KAYA pala hindi masyadong nakikita si Venus Raj sa mga nakaraang pageant activities dahil abala ito sa pagtapos niya ng kurso sa OCCA The Oxford Centre for Christian Apologetics sa Oxford, England. Sa kanyang Instagram account, pinost ng former Miss Universe Philippines 2010 ang pag-graduate niya sa OCCA. “This journey at […]
-
Lalaking nagbabanta at nangingikil sa mga driver sa Malabon, kalaboso sa baril
NAGWAKAS na ang maliligayang araw ng 55-anyos na lalaki na nagbabanta at nangingikil umano sa mga driver matapos maaresto ng mga pulis makaraang makuhanan ng baril sa Malabon City. Kinilala ni Malabon police chief Col. Amante Daro ang naarestong suspek bilang si January Raymond Flores, 55, parking attendant, at residente Barangay San Agustin. […]
-
Mataas na palitan ng piso vs dolyar, naramdaman na ng mga OFW
NARARAMDAMAN na ng Overseas Filipino Workers (OFWs) ang pagtaas ng palitan ng piso kontra dolyar. Ito ay matapos pumalo na sa P56.77 ang palitan ng piso kontra dolyar ngayong buwan at nahigitan nito ang P56.45 na naitala noong October 2014 kung saan, ito na ang all-time low na palitan sa pagitan ng piso […]