Big challenge ang paggamit ng Danish language: GERALD, magbabalik bilang Thuy sa ‘Miss Saigon’ sa Denmark
- Published on August 18, 2022
- by @peoplesbalita
BALIK ‘Miss Saigon’ si Gerald Santos as Thuy pero this time sa Miss Saigon edition ng Denmark which goes onstage next year
Unang ginampanan ni Gerald ang role ni Thuy sa ‘Miss Saigon UK’ International Tour noong 2017 to 2019.
In fact, he has logged 553 performances as Thuy, pinakarami sa lahat ng nag-portray ng nasabing role sa Miss Saigon based sa mga recent productions ng pamosong award-winning musical.
Malaking bagay ang nagawa sa career ni Gerald sa pagganap niya as Thuy. Bihirang dumating ang pagkakataon tulad nito.
Masayang-masaya si Gerald na siya ay muling napili para gampanan ang role ni Thuy.
Pero takot daw siya dahil Danish ang language na gagamitin pero ito raw ang magbibigay ng challenge sa kanya.
Ang ‘Miss Saigon’ ay ipoprodyus ng Det Ny Teater, isang privately-owned theater na nagpoprodyus ng mga Broadway at West End titles mula pa noong 1994.
Congratulations, Gerald and continue to bring pride to the Philippines!
***
HUMIHINGI ng dasal si Megastar Sharon Cuneta para sa kanyang pamangkin named Bam na may cancer.
Sa kanyang verified IG account (@reallysharoncuneta) ay nag-post si Sharon – “She is only 25 and I do not understand why she has cancer. She is loving, happy, good girl whom we all love so much. Please, please by our prayer warriors and help us pray for her healing too.”
Hindi pa nakaka-move on si Sharon sa pagkamatay ng kanyang mahal na si Cherie Gil which devastated her so much. Maraming mga dear friends si Sharon who died this year tulad ni Fanny Serrano.
We are sure sobrang lungkot na niya pero dapat pa rin siyang maging matatag sa harap mga malungkot na pangyayari.
Pero tiyak naman na sa pagtatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano last week ay maraming masayang memories na baon si Ate Shawie.
First time niya kasi gumawa ang teleserye at curious kami kung willing ba si Ate Shawie na gumawang muli.
(RICKY CALDERON)
-
PDu30, hinikayat ang publiko na i-report ang korapsyon sa mga ahensiya ng pamahalaan at magbigay ng makatutulong na impormasyon sa awtoridad
HINIKAYAT ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang publiko na i- report ang korapsyon sa mga ahensiya ng pamahalaan at magbigay ng makatutulong na impormasyon sa awtoridad. Sinabi ni Pangulong Duterte na ang mga tipsters ay makatatanggap ng gantimpala mula sa pamahalaan. Sa public address ni Pangulong Duterte, Lunes ng gabi ay sinabi nito […]
-
Carrasco panauhin sa 2021 Sports Summit
Si Asian Regional Representative at Philippine Olympic Committee (POC) Technical Commission chairman Tom Carrasco ang magiging panauhin bukas ng Philippine Sports Commission (PSC) para sa ika-12 sesyon ng National Sports Summit 2021. Tatalakayin ni Carrasco, ang pangulo ng Southeast Asian Triathlon (SAT) at Triathlon Association of the Philippines (TRAP), ang ‘Main Support System […]
-
2 criminology students kulong sa P120K marijuana
REHAS na bakal ang kinasadlakan ng dalawang criminology student matapos masakote sa buy-bust operation at mahulihan ng higit P.1 milyon halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana sa Caloocan City, kahapon ng madaling-araw. Kinilala ni Northern Police District (NPD) P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang mga naaresto na sina Sebastine Kyle De Leon, 20, 345 Batasan […]