• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P73.2B inilaan sa COVID-19 vaccine ng 60M Pinoy

Naglaan ng P73.2 bilyon ang pamahalaan para sa 60 milyong Filipino mabakunahan kontra coronavirus disease (COVID-19) ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III.

 

“Ang total niyan is about P73.2 billion financing. That’s pretty much almost fixed… [that] is good for 60 million people to be vaccinated,” saad nito sa Pangulo sa ginanap na briefing, Nobyembre 23.

 

Ani Dominguez na ang pondong ito ay tinatayang halaga ng bakuna na $25 o P1,200 kada tao.

 

Ang P40 bilyon ay kukunin sa World Bank; P20 bilyon sa LandBank; at P13.2 bilyon sa bilateral agreements sa ibang bansa na gumagawa ng bakuna.

 

Samantala, ayon naman kay Health Secretary Francisco Duque III na ang pagpapakabuna ng 60 milyong Filipino ay indikasyon ng herd immunity.

 

“Ang herd immunity po is anywhere from 60 to 70 percent, according to the World Health Organization. So if we’re able to reach that, we’re going to pretty much arrest the spread of this and mawawala yung COVID-19 sa atin pong lipunan,” saad ni Duque. (ARA ROMERO)

Other News
  • Tuloy na tuloy at wala nang urungan: Cong. ARJO, inaming within this year na ang kasal nila ni MAINE

    KAKAIBA talaga ang ‘Korina Interviews’ ni Korina Sanchez-Roxas na umeere tuwing Linggo ng hapon sa NET 25 dahil cool na cool at masarap panoorin.     At sa latest episode na pinalabas last April 30, ang magkapatid na Arjo at Ria Atayde naman ang in-interview ni Ate Koring, na kung saan kitang-kita ang closeness ng […]

  • Bulacan, pasok bilang 10th Most Competitive Province

    LUNGSOD NG MALOLOS- Isa na namang parangal ang nadagdag sa Lalawigan ng Bulacan sa ilalim ng pamumuno ni Gob. Daniel R. Fernando sa pagkakamit ng lalawigan sa ika-10 pwesto bilang Most Competitive Province na iginawad ng Department of Trade and Industry (DTI) at Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI) noong Enero 31, 2022.     […]

  • Malakanyang, hindi kontra sa naging hakbang ng Kongreso hinggil sa paghahain nito ng Bayanihan 3

    NILINAW ng Malakanyang na hindi ito kontra sa inihaing Bayanihan 3 bill na inisyatibo ni House Speaker Lord Allan Velasco kaugnay ng patuloy na pagtugon ng pamahalan sa COVID 19.   Ayon ay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang ipinupunto lamang nila ay dapat lang masiguro kung may pangangailangan ba talaga para sa ikatlong Bayanihan.   […]