Ilegal na droga, national issue sa bansa; military, dapat lang na makasama sa anti-illegal drugs operations- PDu30
- Published on November 26, 2020
- by @peoplesbalita
SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ang ilegal na droga sa bansa ay national security issue kaya’t marapat lamang na makasama sa anti-illegal drugs operations ang militar.
Sa public address ni Pangulong Duterte, Lunes ng gabi ay sinabi nito na 200 hanggang 300 drug suspects ang nahuhuli araw-araw .
Giit ng Chief Executive sobrang nang nakasasama ang illegal drugs activities ss bansa.
“I’d like to pronounce it again that there’s a declaration by me, based on a proclamation also of President (Gloria Macapagal) Arroyo before raising the issue of drugs a national security matter. That’s why kasali na ang military diyan, because if it’s a national security, it is now the welfare of the state at stake,” ayon sa Pangulo.
“That’s why hindi lang ito trabaho ng pulis. Eh national security eh. ‘Di ko naman inulit. So the military also has to participate,” dagdag na pahayag ng Punong Ehekutibo.
Kaya sinabi ni Pangulong Duterte sa mga anti-narcotics operatives na dedmahin lang ang panawagan ng human rights advocates na itigil ang madugong drug war sa bansa kung saan libong katao na ang namatay kabilang na ang mga kabataan.
“Kapag umatras ako, walang mangyayari sa Pilipinas sa panahon ko. Gawain ninyo ‘yan kapag di na ako Presidente,” ani Pangulong Duterte.
Sa kabilang dako, binalaan naman ni Pangulong Duterte ang mga human rights activists, kabilang na ang mga nasa ibang bansa na huwag makialam o makisawsaw sa problema sa ilegal na droga sa bansa.
Inihanay pa ni Pangulong Duterte ang mga ito sa notorious drug groups na Sinaloa Cartel at Bamboo Triad bilang kaaway ng estado.
“Di talaga [sila] kalaban na patayan. They’re out to discredit, they’re out to send to prison somebody who’s doing his work,” aniya pa rin.
Muli, sinabi ni Pangulong Duterte na ang human rights issues pagdating sa kanyang kampanya laban sa ilegal na droga ay ‘kanya lamang.”
‘Wag kayong matakot pumatay. Hayaan mong ‘yang human rights. Basta you do it in accordance with law,” ang pahayag ng Pangulo.
Matatandaang, simula nang maupo si Duterte bilang presidente ay inako na ng Pangulo responsibilidad sa pagpatay sa mahigit ilang libong katao na pinaghihinalaang nagtutulak ng droga at nanlaban nang maaresto.
Sinabi naman ng pulisya na marami pang pagkamatay ang pinaniniwalaang may kaugnayan sa droga, at mga vigilante o karibal na mga miyembro ng gang. (Daris Jose)
-
Sarno pressure na sundan ang mga yapak ni Diaz
NAPE-pressure si Vanessa Sarno kapag nauulinigan niyang kaninuman na siya ang susunod na Hidilyn Diaz ng bansa sa larangan ng women’s weightlifting. Biglang sumikat ang 17anyos na Boholana weightlifter mula sa Tagbilaran City nang magkampeon sa women’s 71-kilogram division ng 2020 International Weightlifting Federation (IWF) Online Youth World Cup na binalangkas ng Peru […]
-
Election gawing hybrid electoral system
IMINUNGKAHI ng isang abogado na gumamit ng hybrid electoral system para sa 2022 national election upang matuldukan na ang nangyayaring dayaan sa halalan. Sa virtual media forum ng National Press Club, sinabi ni Atty. Glen Chong na ang “hybrid electoral system” ay hindi kagaya ng sa Smartmatic na automated. Sa hybrid aniya ay […]
-
Mas mainit na bakbakan sa Game 3
MAS LALONG mag-iinit ang salpukan ng defending champion University of the Philippines at Ateneo de Manila University sa pagsambulat ng Game 3 ng UAAP Season 85 men’s basketball tournament best-of-three championship series. Nauwi sa rubber match ang serye matapos masikwat ng Blue Eagles ang 65-55 panalo laban sa Fighting Maroons sa Game 2 […]