• January 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tanim muna ng punongkahoy bago prangkisa

May bagong requirement ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na inilabas kung saan ay kinakailangan munang magtanim ng punongkahoy ang kukuha o di kaya ay mag rerenew ng kanilang prangkisa.

 

Sa ilalim ng LTFRB Memorandum Circular 2020-076 na sisimulan sa Dec.1, ay  kailangan magtanim ang aplikante ng isang (1) punongkahoy kada unit na kanilang irerehistro.

 

“The circular initially covers all applicants for the issuance of a new certificate of public convenience (CPC) with at least 10 units, as well as all corporations and cooperatives applying for the extension of their existing franchise,” ayon sa LTFRB.

 

Inaasahan na may humigit kumulang na 50,000 na punongkahoy ang maitatanim sa unang tatlong (3) buwan ng pagpapatupad ng nasabing LTFRB circular.

 

Sa huli, ang bagong polisia ay isasama na rin ang lahat ng aplikante na may minimum na sampung (10) units na may transactions sa LTFRB.

 

Ang mga operators ay kailangan magbibigay ng katibayan na sila ay sumunod sa pinauutos ng LTFRB kung saan sila ay magsusumite ng dokumento na may kasamang litrato ng punongkahoy na kanilang tinanim na magiging parte ng kanilang application.

 

Kinakailangan din na magkipag-usap sila sa local government unit (LGU) kung saan sila ay may opisina o di kaya ay sa concerned area ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa katibayan ng kanilang compliance.

 

Kung hindi nila magagawa ang nasabing requirement ay hindi tatangapin ng LTFRB ang kanilang application.

 

Sa kasalukuyan ay mayron na 170,000 na public utility jeepneys (PUJs), 26,000 utility van (UV) express unit, 25,000 public utility buses (PUBs) at 35,000 na transport network vehicle service (TNVS) ang may operasyon sa bansa.

 

Ayon sa LTFRB, ang sunod-sunod na natural disasters nitong taon ay tumawag sa pansin ng pamahalaan upang gumawa ng drastic measures at coordinated measure sa pagitan ng pamahalaan at ng pribadong sektor.

 

Ang LTFRB board ay nagsangayon na sila ang magsimula ng ganitong pagpupunyagi na magtanim ng punongkahoy upang gawing pre-condition sa pagbibigay ng prangkisa.

 

Noong nakaraang Linggo, si Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade matapos ang sunod-sunod na bagyo na siyang naging sanhi ng pagbaha ang siyang unang nagmungkahi nag gawing sapilitan ang pagtatanim ng punongkahoy sa pagkuha ng prangkisa, lisensiya at permits.

 

Ito ang magiging kontribusyon ng transport sector sa reforestation program ng pamahalaan. (LASACMAR)

Other News
  • Rice price cap, binawi na ni PBBM

    BINAWI na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. simula Oktubre 4, Miyerkules ang rice price cap.     Sa isang panayam, sinabi ng Pangulo na ito na ang tamang panahon para  i-lift ang rice price ceiling lalo pa’t namimigay na  ng bigas ang pamahalaan.     “Yes as of today’s we are lifting the price caps […]

  • Dagdag pondo sa mawawalan ng trabaho sa lockdown

    Nanawagan ng dagdag na pondo ang Department of Labor and Employment (DOLE) na gagamitin umano sa pagtulong sa mga ‘formal at informal workers’ sa Metro Manila na inaasahan na mapuputulan ng pagkakakitaan sa 14 na araw na enhanced community quarantine (ECQ).     Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na may naiwan pang pondo […]

  • Libreng sakay posibleng maibalik ngayong 2023

    INAASAHANG maibabalik ngayong taong 2023 ang libreng sakay, ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).     Ayon kay LTFRB technical division head Joel Bolano na sa kasalukuyan ay inihahanda ng Department of Transporation ang guidelines para sa libreng sakay.     “May nakalaan namang budget para rito kaya lang sa ngayon pina-finalize […]