• March 11, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ulat ng COVID-19 sa mga iskul, binubusisi ng DepEd

BINUBUSISI ng Department of Education (DepEd) ang natanggap na ulat na may ilang paaralan at school personnel ang nagka-COVID mula nang simulan muli ang pagpapatupad ng face-to-face classes sa bansa.

 

 

Ayon kay DepEd Spokesperson Michael Poa, patuloy nilang inaalam ang report dahil wala pa silang ulat kung ilan ang nagkaroon ng virus sa paaralan.

 

 

“Talaga pong meron na tayong natatanggap na mga reports ng COVID cases or cases kung saan nagpo-positive ang ating learners, ang ating teachers, or non-teaching staff. However, as to the exact figure, we cannot give you an accurate figure just yet kasi po we need to verify the info with doon naman sa tracking na ginagawa ng LGUs and perhaps verify the data also with DOH,” sabi ni Poa.

 

 

Tiniyak naman ni Poa sa publiko na patuloy nilang susubaybayan ang mga kundisyon ng mga paaralan at ipag-uutos ang pagpapatupad ng infection containment strategies upang maiwasan ang pagkalat ng virus.

 

 

Sa ngayon, mayroong 90 percent ng 47,000 public schools nationwide ang nagpapatupad ng blended learning na may kumbinasyon ng in-person classes at distance learning tulad ng modules at online classes. (Daris Jose)

Other News
  • Gobyerno, binawasan ang pagtaas ng monthly rent para sa residential units

    NAGTAKDA ang National Human Settlements Board (NHSB) ng maximum na 2.3% increase sa renta para sa residential units na may monthly rate na P10,000 o mas mababa pa, mula sa 4% cap noong nakaraang taon. Ang maximum increase sa monthly rentals para sa residential units ay epektibo mula Enero 1 hanggang Disyembre 31, 2025, base […]

  • Vice Mayor Yul Servo Nieto Meets Working Group for the Manila Film Festival

    MANILA Vice Mayor Yul Servo Nieto met the technical working group of The Manila Film Festival (TMFF) recently, to discuss the preparations for its upcoming launch during the Araw ng Maynila celebration in June this year.     The February 23, 2023 meeting that was held at the Vice Mayor’s office discussed, among other matters, […]

  • Sec. Cusi, nag-sorry dahil sa sunud-sunod na brownouts sa isla ng Luzon ngayong linggo

    HUMINGI ng paumanhin si Energy Secretary Alfonso Cusi sa sunud-sunod na brownouts sa isla ng Luzon ngayong linggo.   Sa virtual press briefing ni Presidential Spokesperson Harry Roque, tiniyak ni Cusi na kagyat namang naibalik sa normal ang suplay ng kuryente.   Sa ulat, tumama ang rotational brownouts sa ilang bahagi ng Luzon simula nitong […]