• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bukod sa nominasyon sa 50th International Emmy Awards: ‘On The Job: The Missing 8’ nina JOHN, napiling entry ng Pilipinas sa 95th Oscar Awards

NOMINADO sa prestihiyosong 50th International Emmy Awards ang “On the Job: The Missing 8”, ang six-part miniseries ng direktor na si Erik Matti!

 

 

Inilabas ang listahan ng mga nominado last September 29, kung saan nominado ang obra ni direk Erik sa kategoryang Best TV Movie/Miniseries.

 

 

Makakalaban ng “On The Job: The Missing 8” ang “Help” mula sa United Kingdom, “Il Est Elle [(S)He]” mula sa France at “La Historia Íntima De La Escritora Isabel Allende [Isabel, The Intimate Story Of Isabel Allende]” mula sa Chile.

 

 

Tampok sa “On The Job: The Missing 8” sina Christopher de Leon, Dennis Trillo, John Arcilla, Dante Rivero, Rayver Cruz at Lotlot de Leon.

 

 

Ito ay hango sa 2013 film na “On The Job” at nag-iisang Filipino production na tampok sa Venice International Film Festival nitong nakaraang taon.

 

 

Ipinalabas ito sa HBO Go nitong September 2021. Ang obra na Erik Matti ang siya rin napili na entry ng Pilipinas na Best Foreign Language Film category sa 95th Oscar Awards.

 

 

After two years ay ngayon lang muli nakapagpadala ng entry ang Pilipinas sa Oscars at sana naman ay makalusot na ito.

 

 

Isa rin ang “On The Job: The Missing 8” sa nagkamit ng several nominations sa upcoming Gawad Urian Awards.

 

 

***

 

 

KAYA bang panindigan ng dating child actor na si Jairus Aquino na hindi gagawa ng sexy scenes kahit na alukin siya ng daring role ng Viva kung saan he is under contract?

 

 

Sa presscon ng “Kalye Kweens” ay tinanong si Jairus na handa ba siyang sumabak sa mature roles. Sumagot naman ng oo ang binata pero mariin ang kanyang sagot na never siya gagawa ng sexy roles.

 

 

Kilala ang Viva sa movies na ipinalalabas nila sa online platform na Vivamax kaya curious ang press kung ano ang magiging damdamin ni Jairus if ever alukin siya ng Viva ng sexy role.

 

 

Sabi ni Jairus, pwede naman daw siyang gumawa ng mature role without having to go sexy or drop his pants.

 

 

Hindi rin papayag ang parents dahil galing siya sa isang conservative family. Mas gusto raw niya ang wholesome roles na hindi teeny-bopper ang dating.

 

 

Kahit pa raw maganda ang project pero hindi naman bukas ang puso nito totally ay hindi raw uubra. Masasayang lang daw ang project kung ipipilit sa kanya.

 

 

Ayaw din niya na banggain ang parents niya by doing something na hindi sila pabor.

 

 

Happy si Jairus na isinama siya ng Viva sa cast ng bagong comedy series na ‘Kalye Kweens’ na mapapanood sa TV5 tuwing Sabado 8:30 pm simula sa October 1. Mapapanood din ito sa Sari Sari Channel sa cable tuwing Linggo 8pm.

 

 

“Coming from pandemic, sabi ko I want something light and eto dumating ang ‘Kalye Kweens.’ Sobrang saya namin sa set lagi. Ang sarap katrabaho nina Miss Alma (Moreno), Miss Dina (Bonnevie) and lahat ng cast. Para na rin kaming magbarkada talaga ni Vitto (Marquez). Kaya I’m really grateful na napasama ako rito,” ani Jairus.

 

 

(RICKY CALDERON)

Other News
  • Manhunt vs nagpupuslit, nagbebenta ng bakuna

    Nagpalabas ng  manhunt operation si Philippine National Police (PNP) chief, Gen. Guillermo Eleazar sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) laban sa mga nasa likod sa pagpupuslit at ilegal na nagbebenta ng COVID-19 vaccines.     Ayon kay Eleazar, makikipag ugnayan ang CIDG sa lahat ng police units upang matukoy ang mga responsable  sa ilegal na bentahan at […]

  • Cong. Tiangco at Partido Navoteño nag-file na ng COC

      IPINAPAKITA nina Navotas Congressman Toby Tiangco at Mayor John Rey Tiangco, kasama ang buong Partido Navoteño ang kanilang certificate of candidacy (CoC) matapos silang mag-file para sa kanilang kandidatura sa pagka-Congressman at pagka-alkade ng Navotas City. Pinasalamatan ng Tiangco Brother’s ang buong Partido Navoteño sa patuloy nilang tiwala at suporta sa kanila. Anila, isang […]

  • DOH humingi ng karagdagang P3.6-B pondo para sa special risk allowance ng mga health workers

    Humingi ng karagdagang P3.6 billion na pondo ang Department of Health (DOH) para sa special risk allowance (SRA) ng mga healthcare workers sa gitna ng COVID-19 pandemic, ayon kay Undersecretary Maria Rosario Vergeire.     Ayon kay Vergeire, nag-request na ang DOH para rito noong Abril at hinihintay na lamang sa ngayona ng tugon dito […]