Priority bills ng administrasyong Marcos, nasa 23 na —PLLO chief
- Published on October 7, 2022
- by @peoplesbalita
TINATAYANG nasa 23 na ang priority bills ng administrasyong Marcos.
Matatandaang unang inilatag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang listahan ng kanyang mga priority bills sa kanyang State of the Nation Address.
“As of today your honor, we have 23 (priority) measures,” ayon kay Presidential Legislative Liaison Office Secretary Mark Llandro “Dong” Mendoza sa Senate hearing bilang tugon sa tanong ukol sa mga priority measures ng Chief Executive.
Ang mga bagong batas na nadagdag sa priority list ay ang “2023 General Appropriations Act, the bill strengthening the regulatory functions of Maritime Industry Authority (MARINA), the bill for the condonation of unpaid amortization, interest of loans of agrarian reform beneficiaries, and the Medium-Term Fiscal Framework (MTFF).”
Bagama’t ang MTFF ay hindi bill o batas na nangangailangan ng pagsasabatas, ang dalawang Kapulungan ng Kongreso ay in-adopt ang magkahiwalay na resolusyon na nagpapahayag ng pagsuporta para sa six-year fiscal plan ng administrasyong Marcos.
Sa kanyang kauna-unahang SONA, hiniling ni Pangulong Marcos sa Kongreso na kagyat na ipasa ang 19 bills sa ilalim ng kanyang administrasyon.
Kabilang na rito ay ang National Government Rightsizing Program (NGRP), Budget Modernization Bill, Valuation Reform Bill, Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act (PIFITA), E-Governance Act, Internet Transaction Act or E-Commerce Law, Government Financial Institutions Unified Initiatives to Distressed Enterprises for Economic Recovery (GUIDE), Medical Reserve Corps at National Disease Prevention Management Authority.
Kasama rin ang Creation of the Virology Institute of the Philippines, Department of Water Resources, Unified System of Separation, Retirement and Pension, E-Governance Act, National Land Use Act, National Defense Act, Mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) and National Service Training Program (NSTP), Enabling Law for the Natural Gas Industry, Amendments to the Electric Power Industry Reform Act or EPIRA (Republic Act No. 9136) at Amendments to the Build-Operate-Transfer (BOT) Law.
Tinanong naman ni Senador JV Ejercito ang plano ng PLLO para mapigilan ang posibleng pag-veto sa batas na ipinasa ng Kongreso.
Bilang tugon, sinabi ni Mendoza na nagsasagawa sila ng inter-agency consultative meetings para i- “fine tune” ang batas na inisa-isa ni Pangulong Marcos sa kanyang SONA.
“I think we already had around five consultative meetings with different agencies with regard to the SONA measures…So far sir, nafa-fine tune na po natin…para pagdating po dito sa both chambers–sa Senate and sa Lower House, fine-tuned na po siya…Naalis na po namin ‘yung mga contentious issues with the departments,” wika ni Mendoza.
Samantala, inaprubahan naman ng Senate panel ang panukalang budget ng PLLO para sa taong 2023.
Maliban sa PLLO, inaprubahan din ng Senate finance subcommittee ang panukalang P193 million budget ng Philippine Racing Commission at panukalang P191.26 million budget ng Authority of the Freeport Area sa Bataan para sa taong 2023. (Daris Jose)
-
Ibang pasahero ng PUJs kusang nagbabayad ng P10
MAY MGA pasahero ng public utility jeepneys (PUJs) ang bulantaryong nagbabayad ng P10 bilang pamasahe upang bigyan ng suporta ang mga drivers at operators na nakararanas ng paghihirap dahil sa tumataas na presyo ng krudo. Ayon sa Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) may ibang mga pasahero na […]
-
3 huli sa aktong sinisipsip ang krudo sa trak sa Valenzuela
SIBAK na sa trabaho, kulong pa ang tatlong kawani makaraang mahuli sa aktong sinisipsip ang krudo sa trak na pag-aari ng pinagtatrahuhan nilang kompanya sa Valenzuela City. Kinilala Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura, Jr ang mga naarestong suspek na sina Dandreb Acosta, 42, ng Saint Francis Village, Meycauayan, Bulacan, Edgardo Garcia, 23, […]
-
Wala nang SAP sa 2021 budget – DBM
Wala nang ilalaan na pondo ang gobyerno para sa pamamahagi ng ayuda sa ilalim ng panukalang pambansang pondo para sa taong 2021. Ito ang nilinaw ni Budget Secretary Wendel Avisado sa pagsisimula sa pagtalakay ng House Committee Appropriations ni Sen. Sonny Angara sa P4.5 trillion national budget para sa susunod na taon. Sa […]