• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bagsak na grado kay BBM sa unang 100 araw nito

BINIGYAN ng bagsak na grado ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Partylist Rep. France Castro si Pangulong Bongbong Marcos para sa nalalapit na unang 100 araw nito sa Palasyo

 

 

“Sa totoo lang parang may pagka-deja vu ang Marcos Jr. administration sa nakaraang administrasyon ni Duterte. Napakaraming pinangako pero wala pa ding natutupad isa na dito ang dapat na pagtataas ng sahod ng mga guro,” anang mambabatas.

 

 

Patuloy pa rin aniya ang harassment at pagpatay umano sa mga kritiko ng administration.

 

 

Hindi umano importante kung isang opposition official, media, aktibista o ordinaryong personalidad na nagnanais lamang iparating sa gobyerno ang kanilag hinaing dahil maaari itong ma-red tagged, makulong sa gawagawa umanong kaso o mapatay tulad ng kaso ng radio commentator na si Percy Mabasa.

 

 

Sa isyu ng prayoridad, numero uno umano dito ni Marcos ay ang mayayaman at dayuhang investors at pagpapabaya umano sa mahihirap na constituents tulad ng paglipad nito sa Singapore para manood ng F1 Grandprix .

 

 

“Sa 2023 national budget inuna pa ang napakalaking bayad utang kesa sa mga batayang serbisyo para sa mamamayan. Nagsubi din ng napakalaking intelligence funds at confidential funds para sa kanyang sarili at kay VP Sara Duterte na para na sila na mismo ang intelligence agencies ng bansa pero ang totoo ay presidential at vice-presidential pork ang mga ito,” dagdag ni Castro.

 

 

Dapat din aniyang tignan ng administrasyon ang power situation ng bansa, napakataas na inflation sa basic goods, pagkain at transportasyon pero wala pa ding dagdag sahod sa mga manggagawa at government employees.

 

 

“Ganito ang nangyayari sa kalunsuran habang nagtataasan pa ang presyo ng bilihin at kawalan ng trabaho. Habang sa kanayunan naman ay wala pa ding lupa ang mga kalakhan sa mga magsasaka at tinamaan pa ng Super Bagyong Karding,” pahayag pa ng progresbong mambabatas. (Ara Romero)

Other News
  • FIRE PROTECTION AGENT AT 2 BABAE, TIMBOG SA P253K SHABU

    TATLONG hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang fire protection agent ang arestado matapos makuhanan ng higit sa P.2 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng mga pulis sa Malabon city.   Kinilala ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao ang mga naarestong suspek na si Reya Remodaro, 24, (Pusher Listed top 4), sales lady, […]

  • 3 kalaboso sa P1.5 milyon shabu sa Caloocan

    KULONG ang tatlong hinihinalang drug personalities matapos makuhanan ng mahigit P1.5 milyon halaga ng shabu nang tangkain takasan ang mga pulis na nagsasagawa ng Oplan Sita habang sakay ng dalawang motorsiklo sa Caloocan City.     Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr. ang naarestong mga suspek na sina Jeffrey Filiciano, 43, Regie […]

  • Kampanya ni Saso inantala ng ulan

    NAURONG ang pagkorona sa bagong reyna ng 75th US Women’s Open Golf Championship nitong Linggo dahil sa serye nang pagbuhos ng ulan sa Cypress Creek at Jackrabbit course ng Champions Golf Club sa Houston, Texas.   Ipinahayag ng United States Golf Association (USGA) agronomists , na inabot ng 78 pulgada ang tubig sa golf course […]