Senate Pres. Zubiri giit na ‘di siya ‘fake news’
- Published on October 13, 2022
- by @peoplesbalita
UMALMA si Senate President Juan Miguel Migz Zubiri, matapos na mabaligtad at i-deny ng Chinese embassy na kabilang ang Pilipinas sa mga blacklisted na bansa na puntahan ng mga turistang Tsino dahil sa umano’y isyu kaugnay sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Sa pahayag ni Senate President Migz Zubiri, sinabi nito na parang lumalabas daw na siya ang “Marites” na nagbibigay ng maling impormasyon na samakatuwid naman daw hindi naman raw iyon fake news.
Dagdag pa ni Zubiri, ang term daw na “blacklist” ay nanggaling mismo kay Chinese Ambassador to the PH Huang Xilian.
Gayundin, willing daw magprisenta si Zubiri sa media ng transcript kung saan binanggit ng Chinese envoy ang blacklisting o possible blacklisting sa Pilipinas.
Sa kabilang banda, ang kamalian at sisi raw sa Chinese ambassador sapagkat siya ang nagpahayag ng terminolohiyang blacklist.
Ani Zubiri, maninindigan daw siya sa kanyang mga inihayag at hindi ito umano hihingi ng paumanhin.
Aminado naman ang lider ng Senado na kung matuloy ang blacklisting ng Pilipinas sa mga Chinese tourists ay malaking dagok ito sa ekonomiya ng bansa.
Noong taong 2019 ani Zubiri, nasa dalawang milyon daw ang mga turistang Tsino na bumisita na kung susumahin ay may katumbas na bilyong piso ang ibinuhos na gastos habang nasa bansa. (Daris Jose)
-
Higit 500 market vendors, nabigyan ng libreng COVID-19 swab test sa Quezon City
Nakinabang sa libreng COVID-19 swab test ang may 549 vendors mula sa apat na private at public markets sa Quezon City sa pakikipagtulungan ng Project Ark. Sa naturang pagsusuri, 1 percent o walong katao ang nagpositibo sa virus mula sa mga vendors sa Frisco, Tandang Sora, Philand Dr., at Balintawak Market. Ang mga ito […]
-
Belga, Quinahan, Guiao magkakasama-sama uli?
NAGBUNGA ng dalawang kampeonato ng Philippine Basketball Association (PBA) para sa Rain or Shine noong 2011-16 ang pagsasama-sama nina Extra Rice tandem Beau Michael Vincent Belga at Joseph Ronald ‘JR’ Quiñahan, at coach Joseller ‘Yeng’ Guiao. Pero nagkahiwalay-hiwalay ang tatlo ang tatlo pagkaraan. Nakapako sa RoS si Belga mula noon hanggang […]
-
PDu30, bumoto na sa kanyang hometown sa Davao City
BUMOTO na si Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa national at local elections mula sa kanyang hometown sa Davao City. Bumoto si Pangulong Duterte sa Daniel R. Aguinaldo National High School, Precinct 1245-A, ng alas- 4:45 ng hapon. Nananatili naman ang posisyon ng Pangulo na hindi mag-endorso ng kahit na sinumang […]