• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kathryn, pinuri ang SMC sa ginawang pag-rescue sa mga naiwang aso sa Bulacan

BILANG isang fur mom ng labing-isang aso, natuwa si Kathryn Bernardo na inaalagaan na ng San Miguel Corporation (SMC) ang mga naiwang aso sa bayan ng Bulakan, kung saan itatayo ang Manila International Airport project.

 

      “I’m proud of the San Miguel family for taking care of the dogs that were stranded in Bulacan,” wika ni Bernardo, na maliban sa pagiging endorser ng Nutrichunks dog food at endorser rin ng Magnolia Ice Cream at San Mig Coffee Crema White.

 

      “I’m happy that these dogs were rescued and, hopefully, will be adopted by loving homes. Thank you, San Miguel,” dagdag pa niya.

 

Matapos malaman ang kalagayan ng 70 aso na naiwan sa Barangay Taliptip ay nagpadala agad ang SMC ng Nutrichunks dog food para mapakain sila.

 

Sa tulong ng Animal Kingdom Foundation (AKF), may 53 nang aso ang na-rescue simula noong Nobyembre 16 at nailipat sa AKF shelter sa  Capas, Tarlac. May natitira pang 20 aso na kailangang i-rescue sa mga susunod na araw.

 

Ang mga asong dinala sa AKF sa Tarlac ay gagamutin at kakapunin baka sila ihanap ng mga mag-aampon.

 

Nauna nang pinasalamatan ni Bernardo ang SMC, na pinamumunuan ni president at chief operating officer Ramon S. Ang sa paggawa ng paraan para magkaroon ng hanapbuhay at oportunidad sa pagnenegosyo  sa Central Luzon sa pamamagitan ng Manila International Airport at Bulacan Airport City Freeport Zone.

 

Ayon kay Kathryn ay mahalaga ang hanapbuhay para sa maraming Pilipino dahil pandemyang dulot ng Covid-19.

 

Maliban sa relokasyon ng mga taga Taliptip mas mas matibay at maayos na bahay ay nagpatraining ang SMC para sa mga gustong magtrabaho sa airport sa ilalim ng livelihood and skills development program sa ilalim ng Technical Education Skills and Development Authority (TESDA). (ROHN ROMULO)

 

Other News
  • PDu30, masaya sa maingat at mahinahon na muling pagbubukas sa mga eskuwelahan sa MM

    IKINATUWA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang maingat na muling pagbubukas ng klase matapos ang 2-taong suspensyon ng face-to-face classes.   Ang pagsusuot ng face masks at pag-upo sa desks na may nakalagay na plastic screens, may 2,000 mag-aaral ang nagbalik sa 28 eskuwelahan sa National Capital Region bilang bahagi ng trial ng in-person classes. […]

  • Seniors na kumpleto bakuna vs COVID-19 makalalabas na sa GCQ, MGCQ areas

    Pahihintulutan na lumabas ng kani-kanilang bahay ang mga edad 65-anyos pataas na lumabas ng bahay sa gitna ng coronavirus disease pandemic, basta kumpleto na ang kanilang dalawang doses ng bakuna.     Huwebes kasi nang magpulong-pulong ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) patungkol sa isyu.     “Subject ito sa mga kondisyon […]

  • 5 sugatan sa karambola

    LIMA katao ang sugatan sa naganap na karambola ng mga sasakyan Huwebes ng gabi sa San Andres, Maynila.   Dinala sa mga ospital para malapatan ng lunas sa tinamong sugat sa aksidente ang mga biktima na nakilalang sina Jener Sawal, Richard Opena, Merry Girl Galagate, Riyan Gandamon at Chinese national na si Alvin Tiu Chua. […]