• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Binigyan ng send-off party bago pumuntang Uganda: HERLENE, magta-Tagalog sa mga interviews sa ‘Miss Planet International 2022’

Sinabi pa ni Herlene na magta-Tagalog daw siya sa mga gagawing interviews sa kanya sa naturang pageant.

 

 

MULING nagpakilig ang JulieVer loveteam sa social media.

 

 

Pinakita kasi ni Rayver Cruz na very supportive boyfriend siya sa pagpayag nitong maging modelo sa bagong collection ng clothing line ni Julie Anne San Jose na Mundane Club.

 

 

Sa Instagram account ng naturang clothing brand, cc-post ang photo shoot ni Rayver para sa latest collection ng brand. Suot nito ang “JOEY” na classic camisa de chino with linen walking shorts.

 

 

Sinuot nga ni Rayver ang ensemble noong magbakasyon ito kasama ang pamilya ni Rodjun Cruz sa Bohol kamakailan.

 

 

Clothing business ni Julie Anne ang Mundane Club kunsaan kasosyo niya ang kanyang sister. Sa latest collection nila, binigyan nila ito ng names na mula sa characters ng American comedy series na Friends. Bukod sa JOEY na para sa men’s line, ang women’s line nila ay may mga pangalan na RACHEL. MONICA at PHOEBE.

 

Natuwa ang JulieVer fans sa pagpayag ni Rayver na maging model sa clothing brand ni Julie. Panay din naman ang post ni Rayver sa kanyang social media accounts ng kanyang mga photos na suot ang mga damit na bagay na bagay sa kanya.

 

***

 

BINIGYAN ng send-off party si Herlene “Hipon Girl” Budol ng Binibining Pilipinas dahil lilipad na ito for Uganda para sa ‘Miss Planet International 2022’.

 

Sinabi pa ni Herlene na magta-Tagalog daw siya sa mga gagawing interviews sa kanya sa naturang pageant.

 

“Magta-Tagalog po ako para hindi ko po palalimin yung mga English ko. Kasi baka mapahiya ko po ang buong Pilipinas. Doon pa tayo sa… play safe po tayo sa Tagalog,” sey ni Herlene na may makakasamang interpreter niya sa pageant.

 

Thankful siya dahil hindi niya inakala na mararating niya ang sumali sa isang national beauty pageant at ngayon magiging representative pa siya ng Pilipinas sa isang international beauty pageant.

 

Kung meron daw siyang dapat pasalamatan sa narating niya ngayon, iyon ay ang kanyang lola na pumanaw noong nakaraang June. Ang kanyang Lola Bireng ang naging pangalawang ina ni Hipon Girl at ito raw ang parating nag-uudyok sa kanya na sumali sa mga beauty pageants.

 

Hindi na raw naabutan ng kanyang lola ang pagiging first runner-up niya sa Binibining Pilipinas. Kung buhay raw ito ngayon, tiyak daw na masayang-masaya ito dahil naging Miss Philippines ang apo niya.

 

“Para pa rin sa kanya ito. Kasi siya yung nangarap sa akin. Sasabihin niya, ‘Ang apo ko pang-international.’ Baka nga siya ang nagdala sa akin dito,” naiiyak na pahayag pa ni Hipon na magbibida rin sa GMA teleserye na Magandang Dilag.

 

***

 

IBA talaga kapag nagpasabog si Taylor Swift dahil tiyak na malakas!

 

Muling nag-set ng record ang multi-Grammy winner na si Taylor dahil sa pag-debut ng kanyang 10th studio album na Midnights noong nakaraang October 21.

 

Agad-agad na naging “most-streamed album in a day” ang Midnights ayon sa Spotify.

 

Nagpasalamat agad si Taylor sa mga abangers ng kanyang bagong album via social media. Nag-tweet it ng: “How did I get this lucky, having you guys out here doing something this mind blowing?! Like what even just happened??!?!”

 

Bukod pala sa pagiging “most-streamed album in a day” ang Midnights, na-break din ni Taylor ang record as “most-streamed artist in a single day in Spotify history!”

 

Tinawag nga ng maraming music critics na isang “Lyrical Mastermind” si Taylor dahil sa 13 songs na sinulat niya for Midnights. Ang first single na n-release na may kasama ng music video ay ang “Anti-Hero” na si Taylor din ang nagdirek.

 

Sa extended version ng album, may additional na seven new songs pa ang dinagdag ni Taylor. Lahat daw ng songs ay nasulat niya noong magkaroon ng pandemya in 2020.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Pamahalaan, pinayagan na ang 10% dine-in capacity; barber shop, parlors ng 30% sa MECQ

    PINAPAYAGAN na ng pamahalaan ang ang dine-in operations sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).   Pinapayagan na rin na mag-operate ang mga barbershops, beauty parlors, at iba pa sa 30% capacity sa MECQ   Sa isang kalatas na ipinalabas ni Presidential Spokesperson Harry Roque, inaprubahan ng Inter-Agency Task Force […]

  • Pacers, patuloy ang paghahanap ng bagong coach

    Patuloy pa rin ang paghahanap ng Indiana Pacers ng head coach.   Ito ay matapos ang isang linggong pagsibak kay Nate McMillan bilang head coach ng koponan matapos ang pagkabigo nila sa NBA playoffs.   Sinabi ni Pacers team president Kevin Pritchard, na ang katangian ng coach na kanilang hinahanap ay yung kayang dalhin ang […]

  • Pilipinas, nakatugon na sa requirement ng WHO hinggil sa bilang ng mga health workers na fully vaccinated na

    TINATAYANG 90% na ng mga health workers ang nakatanggap na ng kumpletong bakuna.   Sinabi ni Chief Implementer at vaccine czar Carlito Galvez Jr.na nakatugon na aniya ang pamahalaan sa itinatakda ng WHO na porsiyento ng mga medical workers na dapat nang nakatanggap ng bakuna.   May 93% na aniya ang fully vaccinated na nasa […]