Nagbunga na ang mga hirap na dinanas sa ‘#MaineGoals’: MAINE, napansin ang galing sa hosting kaya nominated sa ’27th Asian TV Awards
- Published on November 3, 2022
- by @peoplesbalita
CONGRATULATIONS to Maine Mendoza!
All Access to Artists sends congratulatory message to their artist, Maine Mendoza, for being nominated at the 27th Asian TV Awards for Best Entertainment Presenter/Host and Best Lifestyle Programme: #MaineGoals.
Nagbunga ang mga hirap na dinanas ni Maine sa pagti-taping nila ng lifestyle programme na #MaineGoals every week sa iba’t ibang lugar. Ipinalabas ang bawat episode nila every week sa Cignal TV for two seasons.
Ang 27th Asian TV Awards will hold its first in-person events on December 1 and 8, 2022, following two years of mounting the show virtually.
Sa December 1, ATV will announce the winners of its Entertainment and Performance categories during the ATA Live Show at the Aliw Theater in Pasay City, Philippines.
Televised live ito sa 500 million homes across the Asia Pacific through its broadcast network, ang star-studded event iho-host nina Mandopop singer and actor Wallace Ang, TV presenters Hani Fadzil and Chua Qin Kai, actors Piolo Pascual, Enchong Dee and Kantapong Bumrungrak, and Miss Universe 2018, Catriona Gray.
Dazzling the ATA stage with their performances are Filipino singers Christian Bautista, Erik Santos and others.
Magpapatuloy ang awards night sa December 8 at Resorts World Sentosa in Singapore, where winners of the Technical and Programming categories will be announced during the ATA Gala Dinner.
***
ASIA’S Multimedia Star Alden Richards is back from Bangkok, after nag-shoot sila ng isang TV commercial, with his glam team.
Kaya after the shoot, sinamantala ni Alden ang chance, na bago bumalik ng Pilipinas, na makapasyal-pasyal doon, kaya may IGS post siya habang kumakain, “A taste of Bangkok Street Food #streetfoodadventure.”
Next post nila ay iyong hindi sila nakababa ng NAIA: “First time to experience a roundtrip flight, as in u-turn. Almost 10 mins away from landing at NAIA, our plane got turned back for Bangkok due to severe weather conditions in Manila. Back in Bkk, #thaiAirways provided a hotel for 1 night and booked us in the next available flight on the following day. Not complaining, what’s more important is we are all safe!”
Back to work, Alden is thankful at ang cast ng serye nilang “Start-Up PH” dahil sa magagandang reviews ng mga netizens na excited na dahil magkalapit na sina Tristan (Alden) at Dani (Bea Alonzo), na ipinagseselos naman ni Dave (Jeric Gonzales), feeling siya ang boyfriend ni Dani.
Napapanood ang serye at 8:50PM sa GMA-7, after “Maria Clara at Ibarra.”
***
TRAILER pa lamang ng upcoming GMA Afternoon prime series na “Unica Hija” ay kinaaawaan na ang characters played by Kate Valdez, the dual role of Bianca and her clone, Hope.
Paano, hindi lamang isa ang kontrabida sa serye, kundi tatlo, ang foster mother niya sa serye, si Maricar de Mesa at dalawang young kontrabidas, sina Faith da Silva at Rere Madrid.
Nahirapan ba si Kate sa mga pagmamaldita ng dalawa sa kanya?
“Sa dalawa po, si Faith ang nananakit sa akin, pero before the take, pinag-uusapan na namin ang gagawin niya,” say ni Kate.
“I don’t mind naman dahil iyon ang nasa script, and after hurting me naman, nagso-sorry po siya at niyayakap niya ako. Si Rere po naman, sosyal at edukada ang character niya, hindi niya ako sinasaktan physically, nilalait lamang niya ako using iba’t ibang masasakit na salita.
“Nagpapasalamat nga ako sa kanila dahil maganda ang rapport naming apat. Ganoon din si Ate Maricar, she explains to me kung ano ang gagawin niya sa akin sa eksena para hindi ako magulat.”
Sa Monday, November 7 na ang world premiere ng “Unica Hija” na mapapanood at papalitan nila ang “Return to Paradise” na finale episode na ngayong Friday, November 4.
(NORA V. CALDERON)
-
1,069 Magsasaka, mangingisda, tumanggap ng tulong pinansyal mula sa Pamahalaang Panlalawigan
LUNGSOD NG MALOLOS– Tumanggap ng tulong pinansyal na nagkakahalaga ng P5,000, food packs, at fertilizer ang 1,069 na magsasaka at mangingisda mula sa mga bayan ng San Miguel, Obando, at San Rafael bilang bahagi ng Distribution of Rehab Assistance to Farmers Affected by El Niño na ginanap sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center […]
-
DISKARTENG PASTILLAS
MAINIT pa ring usapin sa bansa ang nabulgar na ‘Pastillas Scheme’ sa airportkung saan nakaka-shock na P10-bilyon ang kinikita ng mga corrupt sa Bureau of Immigration sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para sa pagsasaayos ng visa ng mga Chinese na magtatrabaho sa bansa sa ilalim ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO). Ito ay […]
-
‘Audio record’ ng Chinese Embassy ukol sa pag-uusap sa WPS, paglabag sa batas ng Pinas
MALINAW na paglabag sa batas ng Pilipinas ang pag-amin ng Chinese Embassy na mayroon itong audio recording ng isang Filipino general na nakikipag-usap sa Chinese diplomat kaugnay sa “new model” agreement sa West Philippine Sea (WPS). “Kung totoo man ito, labag sa international relations at labag sa batas dahil hindi sila nakipag-ugnayan sa […]