• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

BIKER, PISAK ULO SA TRAILER TRUCK

NASAWI ang  isang biker matapos magulungan ng trailer truck sa bahagi ng Raxabago St., Tondo, Maynila Huwebes ng umaga.

 

 

Sa ulat ng MPD-Traffic Enforcement Unit, nakilala ang biktima na si Rafoc Alvin Roxas, 39, nakatira sa no.05 BBS Navotas  Bagumbayan south Navotas.

 

 

Hawak naman ng pulisya ang driver ng trailer tractor na si Rogym Mendoza, 39  Balut, Tondo, Maynila para sa imbestigasyon.

 

 

Sa imbestigasyon, kakanan umano ang tractor head na may trailer sa kahabaan ng Raxabago St ,  mula sa Juan Luna St, nang mabangga ang biktima na patungong westbound direction.

 

 

Malakas umano ang pagkakabangga sa biktima na nakabisikleta bukod pa sa nagulungan pa ang kanyang ulo dahilan para mapisak.

 

 

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente. (Gene Adsuara) 

Other News
  • BABAENG TULAK NG BAWAL NA DROGA, NAHULI SA TONDO

    ARESTADO ang isang babae na umanoy tulak ng illegal na droga sa isang buy bust operation nang pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA- Region 3 sa Tondo, Maynila. Sa report ni PDEA-3 Regional Director Christian O. Frivaldo kay PDEA Director General Wilkins M Villanueva, kinilala ang suspect na si Belinda B. […]

  • May announcement pa na dapat abangan: DINGDONG, isa sa dream project ang MMFF movie kasama si MARIAN

    MAY announcement daw ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes na dapat abangan.       Hindi pa niya sinabi kung ano ito, although may ideya kami, hindi na namin ipi-pre-empt pa.       Grabe lang si Dingdong ngayon na bukod sa kinailangan na mag-break muna ang “Family Feud”, dahil sabay-sabay talaga ang […]

  • 2 snatcher arestado sa shabu

    SWAK sa kulungan ang dalawang umano’y snatcher na nambiktima sa isang Lalamove driver matapos masakote at makuhanan pa ng shabu sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.   Nahaharap sa kasong robbery snatching at paglabag sa R.A 9165 ang naarestong mga suspek na si Rafael Damian, 21, ng 117 KKK St. Brgy. 150 at Richard Martinez, […]