2 drug pushers arestado sa Caloocan buy-bust
- Published on December 3, 2020
- by @peoplesbalita
Rehas na bakal ang kinasadlakan ng dalawang tulak ng ilegal na droga matapos makumpiskahan ng baril at P68-K halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan City.
Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr. ang naarestong mga suspek na si Michael Ponayo, 37 at Orwin Callejo, 37, kapwa (watch-listed pusher).
Ayon kay Col. Mina, dakong 7 ng gabi nang maaresto ang mga suspek ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) warrior sa pangunguna ni P/Capt. Deo Cabildo sa buy-bust operation sa bahay ni Ponayo sa No. 25 Marulas B, Brgy. 36 matapos bentahan ng P7,500 halaga ng shabu ang isang undercover police na nagpanggap na buyer.
Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang nasa 10 gramo ng shabu na nasa P68,000 ang halaga, buy-bust money, isang cal. AR type 9mm pistol na kargado ng limang bala.
Sinabi ni Col. Mina, ang operation ay nagmula sa impormasyon na isiniwalat ng isang drug suspect na naaresto ng mga operatiba ng SDEU sa kanilang dating operation.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 at paglabag sa RA 10591. (Richard Mesa)
-
Quezon City ginawaran ng parangal ng DILG
GINAWARAN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) nang pagkilala ang Quezon City bilang lungsod na may pinakamaraming establisimyentong binigyan ng Safety Seal Certification. Mismong si Mayor Joy Belmonte ang tumanggap ng parangal mula kay DILG Secretary Eduardo Año sa ginanap na awarding ceremony sa SM Mall of Asia. […]
-
Most wanted person sa pagpatay nalambat sa Navotas
SA kalaboso ang bagsak ng isang mister na listed bilang most wanted sa kasong murder matapos malambat ng pulisya sa manhunt operation sa Navotas City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Dexter Ollaging ang naarestong suspek bilang si Raul Sioson, 56 ng Brgy. NBBN ng lungsod. Sa kanyang […]
-
Sara susuporta, magiging tapat na VP kay BBM
NANGAKO kahapon si Lakas–CMD vice presidential candidate at Davao City Mayor Sara Duterte na magiging tapat at susuportahan ang kaniyang presidential tandem na si Partido Federal ng Pilipinas (PFP) at dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sakaling mapagwagian nilang pareho ang May 9 national polls. “Of course, I will be a supportive and […]