• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

804 Valenzuelano PWD at pedicab drivers, natanggap sa TUPAD

AABOT sa 804 Valenzuelano persons with disability at pedicab driver ang pumirma ng kontrata bilang pinakabagong benepisyaryo ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) sa Valenzuela City.

 

 

Sa pamamagitan ng tanggapan ni First District Representative REX Gatchalian, at sa tulong ng Department of Labor and Employment (DOLE), ang REX Serbisyo Center ay nakapaghatid ng tulong para sa recovery ng mga miyembro ng Valenzuela Persons with Disabilities Federation Incorporated ( VPDFI) at mga miyembro ng Pedicab Operators and Drivers Association (PODA) bilang pinakabagong grantees ng TUPAD.

 

 

Layunin ng TUPAD na magbigay ng pansamantalang trabaho o “emergency employment” sa mga displaced worker, unemployed, at underemployed na manggagawa na ang kita ay lubhang naapektuhan ng pandemya.

 

 

Ang mga benepisyaryo ng DOLE’s program ay gugugol ng hindi bababa sa sampung araw sa pagtatrabaho sa pamamagitan ng mga social community projects tulad ng paglilinis ng mga kalye, paaralan, health centers, pagbabara sa mga kanal, tree-planting, contract tracing, at iba pa.

 

 

Sumailalim sa orientation at contract signing ang Valenzuelano PWD at mga miyembro ng PODA saka natanggap ang kanilang TUPAD ID. Ang kanilang suweldo ay katumbas ng minimum wage sa NCR o PhP 5,700 para sa sampung araw na trabaho mula 8:00 am hanggang 12: 00 nn.

 

 

Inihayag ng DOLE worke sa isang orientation na ang TUPAD recipients ay tatanggap ng kanilang suweldo sa pamamagitan ng money remittance Palawan Express matapos sumunod sa mga kinakailangan ng DOLE tulad ng DTR o Daily Time Record, at dokumentasyon ng larawan bilang patunay ng pagdalo.

 

 

“Ako po ay personal na nagpapasalamat sa mga kinatawan ng DOLE-CAMANAVA para sa kanilang tulong na maisagawa ang programang ito. Patuloy po tayong susuporta at magbibigay ng trabaho para sa bawat Valenzuelano.” pahayag ni Cong. REX. (Richard Mesa)

Other News
  • Kim, napaiyak sa trailer ng Bawal Lumabas

    Umapaw ang emosyon ni Kim Chiu nang mapanood niya ang trailer para sa original series na Bawal Lumabas kaya naman hindi niya napigilang maiyak nang maisapubliko ito. “Nag-flashback sa akin lahat simula nag-start ang Bawal Lumabas. One mistake won’t define you as a person,” ang nakasulat na caption ni Kim sa kanyang Instagram ­vi­deo kung […]

  • MGA BUNTIS NA MEDICAL FRONTLINERS PUWEDENG MABAKUNAHAN

    PUWEDENG mabakunahan ang mga “buntis”  na medical frontliners na may high risk exposure sa COVID-19 .   Ito ang nilinaw ng Department of Health (DOH) at sinabing basta’t may clearance mula sa kanilang mga doctor o physician.   Gayundin ang mga senior citizen na frontliner ay maaari ring mabakunahan kontra COVID-19.   Ayon sa DOH, […]

  • Obiena silver sa Italy

    Nasungkit ni Olympic bound at SEA Games pole vault gold medalist Ej Obiena ang silver medal sa katatapos na 13th International Meeting sa Trieste, Italy matapos lundagin ang 5.45 meter mark sa competition.   Hinirang namang kampeon si Olympic gold medalist Thiago Braz da Silva ng Brazil na may 5.50 meter at 3rd place naman si […]