• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pag-usbong ng mas maraming Kadiwa market, ‘di imposible – Department of Trade and Industry

MALAKI umano ang tiyansa na lalago pa ang Kadiwa market sa bansa.

 

 

Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Assistant Secretary Dominic Tolentino, kasunod na rin ito ng personal na pagkakasaksi nito sa naturang programa.

 

 

Ginawa ang pahayag matapos ang matagumpay na inilunsad na Kadiwa ng Pasko kahapon sa iba’t ibang panig ng bansa kung saan may nabiling murang sibuyas, bigas, asukal, at marami pang iba.

 

 

Ayon kay Asec. Tolentino, hindi imposible na sisibol ang mas marami pang Kadiwa market dahil sa programa ng Office of the President.

 

 

Panalo ang kostumer sa murang bilihin habang panalo din ang mga magsasaka at mga manufacturer na nabigyan ng pagkakataon na mabenta ang kanilang produko sa makatwirang presyo.

 

 

Aniya, ang kailangan na lang sa ngayon ay ang mas masusi pang pag-aaral at pagbibigay ng suporta sa programa ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Other News
  • JANINE, winelcome at feel na feel talaga na maging isang Kapamilya; RAYVER, suportado ang naging desisyon

    MAGANDA ang naging pag-welcome kay Janine Gutierrez ng ABS-CBN and for some reason, tila feel na feel talaga siya na maging isang Kapamilya.   Simula mag-join ng showbiz si Janine ay isa siyang Kapuso. Ngayon lang siya lumabas sa nakagisnang bakuran. At siguro naman nga, may malaking plano ang ABS-CBN kay Janine kaya dito siya […]

  • DOH maghahain ng ’emergency use’ application para sa Sinopharm COVID-19 vaccine

    Mismong Department of Health (DOH) na raw ang maghahain ng aplikasyon para magkaroon ng emergency use sa Pilipinas ang COVID-19 vaccine ng Chinese company na Sinopharm.     Ito ang inamin ni Health Sec. Francisco Duque III, matapos mapasali sa emergency use listing ng World Health Organization (WHO) ang Sinopharm vaccine.     Ayon sa […]

  • 4 TULAK TIMBOG SA P646K SHABU SA CALOOCAN

    ARESTADO ang apat na hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang company driver matapos makuhanan ng higit sa P.6 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Caloocan city.   Ayon kay Caloocan city police chief Col. Samuel Mina Jr., alas-9 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba […]