Most wanted person ng Pampanga, nabitag sa Valenzuela
- Published on December 24, 2022
- by @peoplesbalita
KALABOSO ang isang lalaki na listed bilang most wanted sa Angeles, Pampanga matapos masakote ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr ang naarestong akusado bilang si Richard Floren, 36 ng Brgy. Viente Reales ng lungsod.
Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) District Director PBGEN Ponce Rogelio Peñones Jr, sinabi ni Col. Destura na ang akusado ay naaresto ng mga tauhan ng Warrant and Subpoen Section (WSS) ng Valenzuela police sa pangunguna ni PLt Ronald Bautista at Northern NCR Maritime Police Station, RMU-NCR sa Disiplina Village, Barangay Viente Reales dakong alas-3:10 ng hapon.
Ani Col. Destura, unang nakatanggap ng impormasyon ang WSS na naispatan ang presensya ng akusado sa nasabing lugar na naging dahilan upang agad magsagawa ng mahunt operation ang mga pulis na nagresulta sa pagkakaaresto kay Floren.
Si Floren ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Family Court Branch 10, Angeles City, Pampanga, para sa kasong Acts of Lasciviousness in relation to Sec. 5(B) of R.A. 7610 – Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act. (Richard Mesa)
-
Kaligtasan, isinasaalang-alang ng mga Filipino sa COVID-19 vaccine
Pangunahing isinasaalang-alang ng mga Filipino ang kaligtasan mula sa epektong dulot ng pagpapabakuna laban sa coronavirus disease. Ito’y ayon sa huling pag-aaral na isinagawa ng Veritas Truth Survey sa may 1,200-respondents sa buong bansa sa pamamagitan ng text at online data gathering noong January 4-22. Batay sa resulta ng V-T-S, 67-porsiyento […]
-
Laurel, binalasa ang liderato ng DA
ISANG malawakang balasahan ang ikinasa ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa liderato ng Department of Agriculture (DA). Sa isang kalatas, sinabi ng DA na ang reshuffling o pagbalasa sa mga ‘key management positions’ sa loob ng departamento ay “meant to more efficiently carry out President Ferdinand Marcos Jr.’s marching orders to […]
-
600-K doses ng Sinovac Covid-19 vaccines dumating na sa Pinas
Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsalubong sa 600,000 doses na donasyong Sinovac vaccine ng China. Bago pa man mag-alas-5:00 ng hapon ay dumating na sa Villamor Air Base ang convoy ng pangulo. Kasunod nito ang pagtungo sa kinalalagyan ng mga bakuna kontra Coronavirus Disease (COVID), at doon sila nag-usap ni […]