• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DSWD, nagpadala ng tulong sa mga flood victims sa Visayas, Mindanao

IKINASA na ng  Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang relief operations sa mga lugar sa  Visayas at Mindanao na apektado ng pagbaha.

 

 

Sinabi ng Malakanyang na ang  relief operations ay ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

 

 

Sa katunayan, sinimulan na ng DSWD field offices sa Eastern Visayas at Northern Mindanao ang pamamahagi ng  family food packs sa flood-hit residents ng  Eastern Samar, Misamis Oriental, Misamis Occidental, Camiguin at Bukidnon.

 

 

Sinabi ni Grace Subon, DSWD regional director sa Eastern Visayas, na may 32,458 indibiduwal ang apektado ng pagbaha sa anim na bayan sa Eastern Samar (Jipapad, Oras, Arteche, Mercedes, Taft at Giporlos) nito lamang holiday weekend.

 

 

Aniya pa, nakikipag-ugnayan sila sa municipal government para sa pamamahagi ng 45,000 food packs at P10 million na standby funds.

 

 

Inihayag naman ni Ramel Jamen, DSWD regional director sa  Northern Mindanao, na nagsimula na rin silang mamigay ng  food at non-food relief items sa 9,342 pamilya o 45,687 indibiduwal sa mga lalawigan sa  Misamis Oriental, Misamis Occidental, Camiguin at Bukidnon.

 

 

Sa mga apektado, sinabi ni Jamen na 9,256 pamilya  o  45,242 indibidwal ang nananatili sa  evacuation centers “as of 3 p.m. Sunday.”

 

 

Habang mahigit lamang sa 12,000 family food packs ang available sa kanilang field office, kaagad naman aniyang nag-request ng karagdagan mula sa kalapit na regional offices.

 

 

Ani Jamen, ang kanilang tanggapan ay mayroong P7.3 million na standby funds para sa  relief operations.

 

 

Maliban sa family food packs at non-food relief items gaya ng  modular tents, medical kits at hygiene kits, naghanda rin ang  DSWD ng cash sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations program.

 

 

Samantala, wala namang na-monitor ang Pag-asa ng kahit na anumang tropical cyclone o low pressure area subalit  “a shear line is causing moderate to heavy to at times intense rainfall in Eastern Visayas, Surigao del Norte and Dinagat Islands; and moderate to heavy rains over Southern Palawan, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao and the rest of Caraga and the Visayas.” (Daris Jose)

Other News
  • Sa kabila ng pandemya, tradisyon sa pagdiriwang ng Pasko pangungunahan ng mga LGU

    SA kabila ng kinakaharap na pandemya, tiniyak ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na handa ang lokal na pamahalaang Lungsod ng Maynila na buhayin ang ekonomiya at pasiglahin ang nakasanayang tradisyon ngayong panahon ng Kapaskuhan.   Sa ginanap na directional meet- ing kahapon na pinangunahan ni Domagoso kasama ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan, […]

  • 6 sangkot sa droga kulong sa P183-K shabu

    KULONG ang anim na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga, kabilang ang isang bebot matapos makuhanan ng higit sa P.1 milyon halaga ng shabu sa buy-bust operation ng mga pulis sa Malabon city, kamakalawa ng hapon.   Kinilala ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao ang naarestong mga suspek na si Norbert Pereira, 33, Jhoemy […]

  • 3 OSPITAL, MAUUNA PARA SA COVID- 19 VACCINE

    TATLONG  ospital sa National Capital Region (NCR) ang  tinukoy ng Department of Health (DOH) na unang mabebenipisyuhan ng Covid-19 vaccine sa sandaling dumating na sa bansa ang mga bakuna.   Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na tatlong referral hospital  kabilang ang UP-Philippine General Hospital,  Lung  center of the Philippines at Dr. Jose Memorial […]