• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DILG, ipinag-utos sa lahat ng LGU na magpasa ng ordinansa na nagbabawal sa pagvivideoke ngayong holiday season

HINIKAYAT ng Department of Interior and Local Govt (DILG) ang Local Government Unit (LGU) na magpasa ng ordinansa na magbabawal   na muna sa pag- karaoke sa pampublikong lugar ngayong Holiday season.

 

Ito’y upang makaiwas sa paglaganap ng Covid-19.

 

Ayon kay DILG Usec Jonathan Malaya sa Laging Handa public press briefing, ang parusa sa mga lalabag sa pagvi-videoke sa mga pampublikong lugar ang siyang magdedetermina sa parusang kakaharapin ng sinumang susuway sa ordinansa.

 

Subalit, ang paglilinaw ng opisyal, tanging ang pagvivideoke sa pampublikong lugar o maramihang pagvi-videoke ang ipinagbabawal.

 

Puwede naman aniyang mag-videoke sa loob ng tahanan basta’t ang magpapamilya lamang ang kakanta at walang iimbitahang iba.

 

Batay  kasi sa pag-aaral malaki ang tyansa na makahawa ng virus kapag naghihiraman ng mic at sa ilalim ng GCQ rules mahigpit paring ipinagbabawal ang malakihang pagtitipon.

 

Sa kabilang dako, ang pakiusap ng Kalihim ay gawing solemn ang pagdiriwang ng Pasko ngayong taon at bumawi na lang sa susunod na Pasko kapag may bakuna na laban sa Covid -19. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • NAVOTAS NAGBIGAY NG P6K INCENTIVE SA BARANGAY HEALTH WORKERS

    NAGBIGAY ang Lokal na Pamahalaan ng Navotas ng P6,000 service recognition incentive sa lahat ng barangay health workers sa lungsod na patuloy ginagampanan ang kanilang trabaho sa panahon ng pandemic.     Sa ilalim ng City Ordinance 2021-52, 193 Barangay Health Workers (BHW), Barangay Nutrition Scholars (BNS), at mga miyembro ng Barangay Health Emergency Response […]

  • Mga empleyadong magpapabakuna sa 3 day national vaccination event, hindi mamarkahan ng absent

    HINDI mamarkahan ng “absent” ang mga empleyado na magpapabakuna laban sa Covid-19 sa isasagawang 3-day national vaccination event sa Nov. 29-Dec. 1.   Kailangan lamang na magpakita ng “proof of inoculation” ang mga empleyadong magpapabakuna laban sa nasabing virus.   Tinintahan kasi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang isang kautusan na nagsasaad na ang mga […]

  • DEDMA SA SRP, KULONG

    KAHIT na may ipinatutupad na suggested retail price (SRP) sa baboy, manok at iba pang agricultural products, may mga vendor sa Metro Manila ang napag-alamang hindi sumusunod.   Gayunman, ayon sa Department of Agriculture (DA), bibigyan pa rin ng pagkakataon ang mga nagtitinda na makapagpaliwanag kung bakit mas mataas ang kanilang presyo lalo na sa […]