• January 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagbubukas ng klase sinalubong ng kilos protesta

NAGSAGAWA ng kilos protesta ang rotesgrupo ng Alliance of Concerned Teachers (ACT), kasabay ng pagbubukas ng klase at pagdiriwang ng pagdiriwang ng World Teachers’ Day, kahapon ng umaga sa Mendiola sa Maynila.

 

Naging highlight ng pagkilos ang sabay sabay na pagbusina sa mga dalang sasakyan ng mga guro pasado alas 10 ng umaga para tawagin ang pansin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa sektor ng Edukasyon.

 

Tiniyak naman ng mga guro na naoobserbahan nila ang physical distancing at naghiwa- hiwalay ang mga ito habang nagsasagawa ng rally.

 

Kasama sa mga hinaing ng mga guro ay ang kapabayaan umano ng pamahalaan sa edukasyon at kahilingan na bigyan ng pondo ang ligtas na pagbabalik-eskwela ng mga kabataan sa bansa, sa gitna ng nararanasang coronavirus dis- ease 2019 (COVID-19) pandemic.

 

May bitbit pang mga plakard ang mga guro na may mga nakasulat na mga katagang, “Don’t leave poor, rural children behind!”, “Duterte pabaya sa edukasyon!” at “Ligtas na balik eskwela.”

 

Sinabi ni ACT Philippines secretary general Raymond Basilio na ang mga pangunahing pangangailangan para sa blended learning, gaya ng printed modules, ay hindi pa natutugunan kahit nagsimula na ang klase sa bansa kahapon.

 

Sinabi pa ng ACT na nasayang lamang ang panahon ng paghihintay at pagkansela ng class opening noong Agosto 24 dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nakahanda ang mga pangunahing pangangailangan nila para sa pagbubukas ng klase. (Gene Adsuara)

Other News
  • ‘WHO nagpalit ng protocol; magdaragdag ng gamot sa Solidarity Trial’ – DOH

    Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na may madagdag na isa pang off-labeled drug sa isinasagawang Solidarity Trial ng World Health Organization (WHO) sa mga gamot na posibleng epektibo laban sa COVID-19.   “Binago rin yung protocol, may bagong gamot na madadagdag, but we will be informing all of you kapag na-finalize na yung protocol. […]

  • Giyera sa semis simula na

    Mula sa 12 koponang pumasok sa PBA ‘bubble’ ay tanging ang Barangay Ginebra, Meralco, TNT Tropang Giga at Phoenix na lamang ang natira.   Didribol ang best-of-five semifinals series ng apat na koponan para sa hangaring makapasok sa Finals ng 2020 PBA Philippine Cup.   Lalabanan ng Gin Kings ang Bolts ngayong alas-6:30 ng gabi […]

  • ALINSUNOD sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

    ALINSUNOD  sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ginamit na rin ang mga presidential helicopter upang mapabilis pa ang relief operations sa mga nasalanta ng Bagyong #KristinePH sa iba’t ibang lugar sa bansa.