Mag-live-in partner na tulak kulong sa P374K shabu sa Valenzuela
- Published on March 3, 2023
- by @peoplesbalita
ISINELDA ang mag live-in partner na tulak ng illegal na droga at kapwa listed bilang high value individual (HVI) matapos makuhanan ng halos P.4 milyon halaga ng umano’y shabu sa buy bust operation sa Valenzuela City.
Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, ang naarestong mga suspek bilang sina John Erwin Reyes, 24, at Michaela Sevilla alyas “Ella”, 19, kapwa ng 125 Dulong Tangke, Brgy. Malinta.
Ayon kay Col. Destura, dakong alas-6:30 ng umaga nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PCPT Joel Madregalejo ng buy bust operation sa Dulong Tangke, Brgy. Malinta matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa pagbebenta umano ng iligal na droga ng mga suspek kung saan isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon sa kanila ng P1,000 halaga ng shabu.
Nang matanggap ang pre-arrange signal mula sa kanyang kasama na nagpanggap na poseur buyer na hudyat na nakabili na siya ng shabu sa mga suspek ay agad lumapit ang back-up na operatiba saka inaresto ang mag partner.
Ani PCpl Christopher Quiao, nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 55 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P374,000, marked money, P600 seized money, dalawang cellphones, dalawang valid IDs at coin purse.
Pinuri ni Northern Police District (NPD) District Director PBGEN Ponce Rogelio Peñones Jr, ang Valenzuela CPS sa kanilang matagumpay na drug operation habang mahaharap naman ang mga suspek sa kasong pagpalabag RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)
-
Utang ng gobyerno ng PH, lumobo sa P14.10T noong Mayo – Bureau of Treasury
LUMOBO sa ₱14.10 trillion ang kabuuang utang ng pamahalaan sa pagtatapos ng Mayo ngayong taon ayon sa Bureau of the Treasury. Ang halaga ay tumaas ng 1.3% o ₱185.40 bilyon mula sa nakaraang buwan dahil sa net issuance ng panloob at panlabas na utang gayundin ang pagbaba ng halaga ng piso kontra sa […]
-
Lalaki na wanted sa pagpatay sa Valenzuela, nabitag sa Caloocan
ISANG lalaki na wanted sa pagpatay ang nasakote ng mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) ng Valenzuela police sa isinagawang manhunt operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Sa ulat ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr. sa Northern Police District (NPD), nakatanggap ng impormasyon ang SIS na naispatan sa Camarin, […]
-
Hinaing ng sportsman, businessman ng Rizal (Huling bahagi)
ISANG taon nang nakakulong si Andrew Joshua delos Reyes sa San Mateo Municipal Jail sa San Mateo, Rizal. Ito’y makalipas siyang damputin ng mga pulis na nag-raid sa isang computer shop sa kalapit na village sa lugar na malapit din sa bahay ng kabigan niya. Hindi nadakip ang may ari ng bahay kaya […]