• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Teves, 6 pa kinasuhan ng CIDG

SINAMPAHAN  na ng kaso ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) si Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. at anim nitong staff kaugnay sa mga hindi umano lisensiyadong mga armas at bala na nakuha sa isinagawang raid sa mga bahay ng kongresista ng nakalipas na linggo.

 

 

Ayon sa PNP-CIDG, bukod kay Teves sinampahan din ng kaso sina Hannah Mae Sumerano Oray, sekretarya ng kongresista; mister nitong si Heracleo Sangasin Oray; Jose Pablo Gimarangan; Roland Aguisanda Pablio; Rodolfo Teves Maturan, at Kyle Catan Maturan.

 

 

Isinagawa ang mga raid sa limang magkakaibang address sa Basay at Bawayan City sa Negros Oriental nitong Biyernes.

 

 

Nabatid na sina Teves, Gimarangan at Pablio ay kinasuhan ng paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act (RA 10591) at sa Law on Explosives (RA 9516) habang “infringement” ng RA 10591 kina Hannah Mae Oray, Heracleo Sangasin Oray, Rodolfo Teves Maturan, at Joseph Kyle Catan Maturan.

 

 

Nilinaw naman ni PCol. Thomas Valmonte, CIDG legal division chief, na walang sinu­render na mga baril at sa halip ay pawang nakuha sa bisa ng search warrant. Ang mga ito ay walang kaukulang papeles.

 

 

Wala sa mga bahay nang isagawa ang raid si Cong. Teves na kasalukuyang nasa ibang bansa, gayunman ay sasampahan pa rin siya ng kasong paglabag sa RA 10591 at RA 9516, kasama sina Kurt Mathew Teves, at Axel Teves.

 

 

Samantala, inaalam na rin ng PNP ang supplier ng baril ni Teves na nagkuha sa raid at sa mga suspek.

 

 

Ani PNP chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr. bawat supplier ay may identified gun dealers.

 

 

Tukoy na ang serial numbers ng mga baril subalit walang dokumento kaya maituturing na loose firearms. (Daris Jose)

Other News
  • Pacquiao No. 3 sa Top 10 Richest Boxer

    Muling napasama si Manny Pacquiao sa lista­han ng pinakama­ya­yamang boksingero sa mundo.     Retirado na si Pacquiao sa boxing at nakasentro ang atensiyon nito sa buhay pulitika sa kasalukuyan.     Matatandaang bilyon ang kinita ng eigth-division world champion sa mahigit dalawang dekadang karera nito sa boxing.     Kaya naman sumampa ang Pinoy […]

  • Bridging Healthcare with the Power of Language: OET Spotlights Filipino Healthcare Workers

    In the face of global healthcare staff shortages, exacerbated by aging populations and escalating demands, the need for not just skilled, but highly competent medical professionals who can deliver safe and effective care has never been more urgent.   In a healthcare environment, effective communication could literally be a matter of life and death. As […]

  • WALA MUNANG PBA D-LEAGUE – MARCIAL

    DAHIL sa Coronavirus Disease 2019 o Covid-19, kinansela na ng Philippine Basketball Association o PBA ang 10th PBA Developmental League o D- League 2020.   Sang-ayon nitong Miyerkoles kay PBA Commissioner Wilfrido Marcial, sa susunod na taon na lang ibabalik ang farm league ng professional hoops matapos itong madiskaril ng pandemya.   “Next year na […]