Italya mapagkukunan ng mga basketbolista
- Published on December 12, 2020
- by @peoplesbalita
HINDI na lang pala Estados Unidos ang maaring maging balon ng talento ng Philippine basketball sa hinaharap na panahon.
Ilista na rin ang Italya.
May ilang Filipino-Italian ang masisilayan sa 83rd University Athletic Association of the Philippines (UAAP) 2021.
Ilan sa kanila ay sina Gabriel Gomez, Roger delos Reyes at Andrei Abellera kasama sina Patrick Dimayuga, Jose Carlos Cullar at magkakapatid na Wilfrey Jr at Vince Magbuhos.
Minsang lumaro na rin sa bansa sina Gomez, Delos Reyes at Abellera sa dumayong Fil-Italian community team sa 2019 National Basketball Training Center (NBTC).
Sila at ang ibha pang mga mga player ay nasa iba’t-ibang team na mga naglalarorin sa Proudly Pinoy Community Basketball League sa naturang European country.
Misyon ni Proudly Pinoy organizer Ever Cuerdo at iba pang mga kapwa na nasa Italy na matulungan ang mga kabataan sa pag-aaral at makakuha rin ng kurso sa kolehiyo sa mga liga sa ‘Pinas at makapaglaro rin sa national team (Gilas Pilipinas) sa tamang pagkakataon.
Nagkakaisa rin ang mga kabataang basketbolista na makaabot sila sa professional pagdating ng tama ring panahon, o makapaglaro sa Philippine Basketball Association (PBA).
Medto malayo pa lang ang agwat ng Amerika at Italya sa kalibre para sa nasabing sport. Pero dahil sa ligang Pinoy-Italyano at iba, hindi malayong dumatng ang araw na makalapit ang una sa huli.
Naniniwala ang Opensa Depensa na matutuklasan ding astig na Fil-Italian baller na magkakapangalan sa PH 5 at maging sa PBA.
-
COVID-19 positivity rate sa bansa bahagyang bumaba sa 18.6% – OCTA Research
BAHAGYANG bumaba sa 18.6% ang kabuuang bilang ng Covid-19 positivity rate sa bansa batay sa pinakahuling ulat ng OCTA Research. Sinabi ni Octa Research fellow Guido David, na bumaba na ito sa 18.6% mula sa dating 19.4 percent noong nakaraang araw. Batay sa kasalukuyang datos ng Department of Health , iniulat […]
-
Abalos, ipinag-utos sa LGUs na maghanda para sa posibleng epekto ng El Niño
IPINAG-UTOS ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos na maghanda para sa at pagaanin ang posibleng epekto ng El Niño sa kanilang lugar. Ang kautusan ni Abalos ay matapos na magpalabas ng El Niño alert ang state weather bureau na Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na nagpapakita […]
-
Delay sa allowance ng mga health workers mula sa tatlong pampublikong pagamutan, sisilipin ni Sec. Roque
MAGSASAGAWA ng validation si Presidential Spokesperson Harry Roque hinggil sa ulat na may umaalmang mga health workers bunsod ng pagkaka-antala ng kanilang allowance. Batay sa impormasyon, mula umano ito sa tatlong government hospitals. Ani Sec. Roque, makikipag-ugnayan siya sa DOH Finance upang malaman ang katotohanan sa napaulat na delay. Aniya pa, dati […]