• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nationwide fare discount sa PUVs, simula na sa Abril

IPATUTUPAD  na simula sa Abril ang fare discount para sa mga public uti­lity vehicles (PUVs), hindi lamang sa National Capital Region (NCR) kundi maging sa ilang piling ruta nationwide.

 

 

“Sa buong bansa po natin ito ipapatupad sa mga piling ruta sa siyudad na may pinakamaraming bilang po ng mga pasahero kagaya po ng nabanggit at alinsunod sa 2023 GAA provisions namin,” ayon kay Department of Transportation (DOTr) Undersecretary Mark Steven Pastor.

 

 

Sinabi ni Pastor na makikipagtulungan sila sa mga lokal na pamahalaan upang matukoy ang mga ruta na magiging bahagi ng programa.

 

 

Aniya pa, maaaring magtagal ang naturang PUV fare discount sa loob lamang ng anim na buwan bunsod na rin ng limitadong budget na P1.285 bilyon sa ilalim ng 2023 General Appropriations Act (GAA) at P875 mil­yon sa ilalim ng unprogrammed funds.

 

 

Matatandaang sinabi ng DOTr na ang PUV fare discount ay isinusulong bilang kapalit ng libreng sakay sa EDSA Bus Carousel, na nagtapos na noong Disyembre 31, 2022.

 

 

Sa ilalim ng programa, ang DOTr ang magbabayad sa PUV drivers at operators kada linggo o ikalawang linggo.

 

 

Layunin nitong maibalik sa P9 ang pasahe sa tradisyunal na jeepneys, o pareho ng presyo bago tumama ang pandemic at bago ipatupad ang taas pasahe.

 

 

Ang pasahe naman sa modernized jeepneys ay magiging P11 mula sa P14 habang ang pasahe sa bus ay mababawasan ng P3 hanggang P4.

 

 

Pinag-aaralan pa naman ang pasahe para sa UV Express. (Daris Jose)

Other News
  • 50 milyong syringe vs COVID-19, nasayang

    Ibinisto ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., na pinalampas umano ng pamahalaan ang pagkakataong makakuha ng 50 milyong heringgilya.     Sa twitter account ni Locsin, sinabi nito na tina­lakay sa Washington DC ang pangangailangan para sa mga heringgilya subalit tumanggi ang mga ahensiya ng Pilipinas na pag-usapan ang mga detalye tungkol dito.   […]

  • Dingdong, muling idinirek si Marian sa bagong episode ng ‘Tadhana’

    BALIK ang Kapuso Royal Couple na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa trabaho dahil muling idinirek ni Dingdong si Marian sa bagong episode ng GMA’s drama anthology series on OFW’s, ang Tadhana.        Nag-share sa Instagram si Dingdong ng photo shoot niya ni Marian with the caption: “Ooops, tatlo na sila! Sa sobrang […]

  • Malonzo kumpiyansa na matatapik sa Top 3

    MALAKAS ang loob ni Fil-Am Jamie Malonzo na mapapasama siyang top 3 choice para sa Online 36th Philippine Basketball Association (PBA) Draft 2021 na nakataksa Marso 14.     Pakiramdam ng Fil-Am swingman, 27, at 6’7”, na makakaabot siya sa nasabing puwesto buhat sa 97 mga pagpipiliang aplikante na umaasang matatapik para sa pambansang propesyonal […]