Pamimigay ng relief goods sa mga biktima ng bagyo sa Bulacan, patuloy
- Published on December 17, 2020
- by @peoplesbalita
LUNGSOD NG MALOLOS- Tuluy-tuloy ang pamamahagi ng relief goods at iba pang ayuda sa pangunguna ni Gob. Daniel R. Fernando sa mga bayan at lungsod na nasalanta ng mga nagdaang bagyo sa lalawigan.
Nitong Disyembre 11, may kabuuang 150,489 na pamilya na ang napagkalooban ng food packs na naglalaman ng bigas, delata at instant na kape na nagsimula noong Oktubre 30, 2020.
Ayon sa gobernador, bukod sa mga ito ay nakatanggap din ang mga Bulakenyo ng ayuda at relief goods mula sa mga pribadong sektor at nasyunal na mga ahensya.
“We are still repacking and we will continue sending assistance sa lahat ng nasalanta ng bagyo. Dalangin natin na wala nang malalakas na bagyo pang dumating na pipinsala pa sa mga bahay, buhay at kabuhayan natin, at sa darating na Kapaskuhan ay matagpuan natin ang kapayapaan ng puso, mahanap pa rin natin ang kaligayahan sa gitna ng mga dinaranas natin ngayon,” ani Fernando.
Sinabi naman ni Provincial Social Welfare and Development Officer Rowena Joson-Tiongson na ang nakatatatanggap ng ayuda ay ang mga naapektuhan ng mga bagyong Pepito, Quinta, Rolly at Ulysses.
Kabilang sa mga benepisyaryo ang 19,899 na pamilya mula sa Calumpit, 10,331 pamilya mula sa San Miguel, 14,413 mula sa Balagtas, 25,330 mula sa Bocaue, 21,162 mula sa Hagonoy, 12,032 mula sa Paombong, 23,748 mula sa Lungsod ng Malolos, 10,580 mula sa Bulakan, 2,393 mula sa Bustos, 1,131 mula sa San Ildefonso at 9,470 pamilya mula sa Marilao. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
DPWH: CALAX malaking tulong upang mabawasan ang trapiko sa Calabarzon
Nagkaron ng inagurasyon at ceremonial opening noong nakaraang buwan ang Cavite-Laguna Expressway (CALAX) Sub-section 5 mula sa Silang East Interchange papuntang Sta.Rosa-Tagaytay Interchange sa Cavite na may tinatayang 5,000 na motorista ang gagamit at dadaan sa nasabing expressway. “While this pandemic may have slowed down and disrupted the implementation of projects, the […]
-
Sandiganbayan Associate Justice Alexander Gesmundo itinalaga bilang bagong Supreme Court Justice
KINUMPIRMA ng Malakanyang ang ulat na itinalaga na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Sandiganbayan Associate Justice Alexander Gesmundo bilang bagong Supreme Court Justice. “Sa ilang mga bagay, kinukumpirma ng Palasyo na pinirmahan na po ng Presidente ang appointment ni dating Associate Justice Alexander Gesmundo bilang bagong Chief Justice ng Korte Suprema ng […]
-
‘Floating employee’ maaring maghanap ng alternatibong trabaho – DOLE
NILINAW ng Department of Labor and Employment (DOLE) na maaaring maghanap ng alternatibong trabaho ang mga manggagawa na nasa “floating status.” Ayon kay Labor Undersecretary Benjo Benavidez nakasaad sa DOLE’s Department Order (DO) No. 215, Series of 2020 na hindi mawawalan ng trabaho ang mga empleyado kahit nakahanap sila ng alternatibong trabaho habang nasa […]