• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PCSO bukas sa pagdinig ng Senado

BUKAS ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa gagawing pagdinig ng Senado sa mga nanalo.

 

 

Ito ang tugon ni PCSO General Manager Melquiades Robles sa panukala ni Senador Koko Pimentel na imbestigahan ang sunud-sunod na panalo sa lotto draw at makilala kung sinu-sino ang tumatama.

 

 

Sa partners forum sa Philippine Columbian Association o PCA, sínabi ni Robles na tama lamang ang mag-iimbestiga ang Senado, dahil trabaho aniya ng senador ang mag-iimbestiga in aid of legislation.Ang dapat aniyang imbestigahan ay kung walang nanalo

 

 

Sínabi rín ni Robles na ang pagdami ng nananalo ay indikasyon na marami ang gumagaan ang buhay.

 

 

Nagbabala rin ito ng one strike policy sa mga deliquent small town lottery operators. Agad na tatanggalin kung hindi makakapag-remit sa PCSO.

 

 

Samantala, plano ng pamunuan ng PCSO na gawing digital ang pagbili ng lotto ticket, kung saan sa pamamagitan ng GCash na lamang magbabayad ang mga bumibili ng lotto tickets.

 

 

Ito aniya ay para sa mga bumibili ng lotto tickets na ayaw mainitan. (Daris Jose)

Other News
  • Pananaw ng mga Pilipino sa COVID-19, isinalang sa survey ng SWS

    Lumabas sa resulta ng bagong surver na isinagawa ng Social Weather Station na 9 sa 10 Pilipino ang nangangamba na magkaroon ng coronavirus disease ang kanilang mahal sa buhay.   Sa survey na ginawa mula Hulyo 3 hanggang 6, lumabas na 85 percent ng 1,555 respondetns ang takot na mahawaan ng deadely virus ang sinomang […]

  • Ayaw makisawsaw sa gulo sa Myanmar

    WALANG balak makisawsaw ang gobyerno ng Pilipinas sa nagaganap na kaguluhan sa gobyerno ng Myanmar.   Ito ang tugon ni Presidential Spokesperson Harry Roque, makaraang magkasa ng kudeta ang militar laban kay Myanmar State Council Aung San Suu Kyi at ilan pang matataas na opisyal dahil sa “election fraud” o dayaan sa eleksyon.   Ani […]

  • TWG, babalangkas ng mga panukala na magpapalakas sa magna carta of small farmers

    Tinakalay ng House Committee on Agriculture and Food ang dalawang panukala na naglalayong palakasin ang Republic Act 7607 o ang Magna Carta of Small Farmers.   Ang House Bill 1007 ay mag-aamyenda sa Seksyon 27, Kapitulo VIII ng  RA 7606, na magpapataw ng mas mabigat na parusa sa sinumang opisyal o kawani ng National Food […]