• January 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, mas gustong mag-produce ang Pinas ng sarili nitong farm machineries

NAIS  ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. na gumawa ang Pilipinas ng sarili nitong farm machineries. 
Napansin kasi ng Pangulo na masyado ng umaasa ang PIlipinas sa pag-angkat o importasyon.
Ayon sa Chief Executive, kailangan na i-develop ng bansa ang kakayahan nito na mag-produce ng sarili nitong farm machineries.
Tinukoy naman ng Pangulo ang mga nagawang trabaho ng Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization (PhilMech) sa pakikipagtulungan sa mga  foreign partners.
Ang PhilMech aniya ay mayroong locally manufactured machineries para sa “planting, cultivation, harvesting, at maging iyong nakalaan para sa  post-production.”
Karagdagan aniya ito sa ibang serbisyo gaya ng loans at transport services sa mga magsasaka at consumers.
“[Mag-] manufacture tayo ng sarili natin nang sa ganun ay hindi na kailangan tayo umasa sa importation,” ayon sa Pangulo sa isinagawang pamamahagi ng tulong sa  Nueva Ecija, araw ng Lunes, Abril 24.
Sinabi ng Pangulo na “the country’s reliance to imports was felt during the pandemic lockdowns, stressing that with locally-manufactured equipment, the country is prepared to address food supply related problems in similar situation as the pandemic.”
“Ang lahat ay kailangan nating tingnan at pag-aralan para makahanda tayo. Na kung sakali ito’y mauulit ay tayo naman ay may gagawin. Mayroon tayong nakahanda at masasabi natin kahit hindi na tayo mag-import ay mayroon tayong sapat na supply na pagkain para sa ating mga mamamayan. ‘Yan po ang ating hangarin,” ayon pa rin kay Pangulong Marcos.
“Developing the Philippine agriculture sector to boost the economy and ensure food security is the overall goal not only of the Department of Agriculture, but the entire government,” dagdag na wika nito.
Sinabi pa ng Pangulo na patuloy na lumilikha ang pamahalaan ng mga plano para matiyak ang sapat na suplay ng tubig gaya ng “redesigning dam construction at solar power use.”
“The government is also looking at improving research and development to increase agricultural productivity depending on the season,” ayon sa Punong Ehekutibo.
(Daris Jose)
Other News
  • Top 4 most wanted person sa Navotas, nakorner

    PINURI ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief P/MGen. Debold Sinas ang Warrant Section ng Navotas police sa matagumpay na pagkakaaresto sa tinaguriang Top 4 Most Wanted Person sa lungsod sa kahabaan ng Socialite Housing, Barangay Tanza 2.   Ayon kay Navotas police chief P/Col. Rolando Balasabas, ang pagkakaaresto kay Salvador Belista, 32 ng […]

  • PDu30, kinalampag ang mga govt agency na mag-implementa ng cashless payment systems sa pampublikong transportasyon

    IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga ahensiya ng pamahalaan na mag-implementa ng cashless payment systems sa pampublikong transportasyon.   Sa public address ni Pangulong Dutere, Lunes ng gabi ay sinabi nito na gawing free of charge o libre ang beep cards sa mga mananakay. Nilinaw ng Pangulo na tanging ang card na ipamamahagi […]

  • PDu30, binati si Sec. Cimatu

    BINATI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Environment Secretary Roy Cimatu sa nagawa nitong progreso sa Manila Bay kung saan ang huli rito ay ang paglalagay ng white dolomite sand sa kahabaan ng baywalk.   “Let us begin by congratulat- ing Secretary Cimatu. You know I remember that meeting I think everybody was there when […]