Pinas, US, hindi pinag-usapan ang mga bagong EDCA sites- Romualdez
- Published on May 9, 2023
- by @peoplesbalita
ITINIGIL ng Pilipinas at Estados Unidos ang pag-uusap hinggil sa pag-identify ng mga bagong Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites.
Pinag-uusapan ngayon ng dalawang bansa kung paano gagamitin ang 9 na umiiral na sites sa bansa.
Sinabi ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel “Babe” Romualdez na nagsimulang pagtuunan ng pansin ng Maynila at Washington ang paghahanda para sa eventualities o mga pangyayari kung saan ito ang dahilan kung bakit kapit-bisig ang dalawang bansa na palakasin ang kanilang military alliance.
“A lot of these sites have been chosen because of disaster preparedness, which is very important…that’s one point,” ayon kay Romualdez sa isang panayam.
“They [The US] are putting a lot of their assets in those identified sites for us to be prepared, or when we can use these sites for deployment of all of these things for any disaster that might happen,” dagdag na pahayag nito.
Taliwas sa sinabi ng China, ang Pilipinas at ang Estados Unidos ay “are not putting these sites directed against any country.”
“These are for us for our defense strategy,” ayon pa rin kay Romualdez.
Buwan ng Abril, pinayagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magkaroon ng access ang US troops sa apat na karagdagang Philippine sites.
Ang apat na bagong sites ay ang Naval Base Camilo Osias sa Santa Ana, Cagayan; Camp Melchor Dela Cruz sa Gamu, Isabela; Balabac Island sa Palawan; at Lal-lo Airport sa Cagayan.
Makakasama ang mga ito sa limang umiiral na EDCA na “accessible” para sa joint operations sa pagitan ng tropa ng Pilipinas at American troops. Ang mga ito ay Fort Magsaysay sa Nueva Ecija; Basa Air Base sa Pampanga; Antonio Bautista Air Base sa Palawan; Mactan-Benito Ebuen Air Base sa Cebu; at Lumbia Air Base sa Cagayan De Oro.
Ayon sa Pentagon, ang bagong mga lokasyon ay makapagpapalakas sa “interoperability” ng US at Philippine Armed Forces at payagan ang mga ito na “to respond more seamlessly together to address a range of shared challenges in the Indo-Pacific region, including natural and humanitarian disasters.” (Daris Jose)
-
70-man Chinese biz delegation, tinitingnan ang investment opportunities sa Pinas
TINITINGNAN ng Chinese delegation na binubuo ng 70 business executives na bumisita sa bansa na i- explore ang investment opportunities sa Pilipinas. Sa isang kalatas, sinabi ng Board of Investments (BOI) na malugod na tinanggap nito ang 70-man business delegation ng Chinese Enterprises Philippine Association (CEPA) sa pangunguna ng pangulo at Bank of […]
-
Pacquiao sa posibleng Spence vs Ugas bout: Walang problema sa akin
Walang nakikitang problema si Sen. Manny Pacquiao sa napabalitang laban nina Errol Spence at Yordenis Ugas. Magugunitang umatras si Spence sa laban nila ni Pacquiao kamakailan dahil sa injury nito sa mata dahilan kung bakit si Ugas ang nakasagupa ng Pambansang Kamao noong Agosto 22 (araw sa Pilipinas). Sa kanyang pagdating […]
-
Price cap sa presyo ng gamot, tinintahan ni Duterte
PINIRMAHAN ni Pangulong Duterte ang Executive Order number 104 na naglalagay ng price cap sa kabuuang 86 drug molecules o 133 drug formulas sa bansa. Sinabi ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na sa ilalim ng EO 104 o “Improving Access to Healthcare Through the Regulation of Prices in the […]