• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pangingisda, pinapayagan na ngayon sa katubigan sa pitong bayan sa Oriental Mindoro

IDINEKLARA ng oil spill task force na nasa “acceptable standards” na para sa  fishing activities ang municipal waters ng Clusters 4 at 5  sa bayan ng Oriental Mindoro na labis na tinamaan ng oil-spill.

 

 

Ayon sa isang kalatas na ipinalabas ng Presidential Communications Office (PCO),  ibinatay ng Task Force MT Princess Empress Oil Spill Incident ang kanilang desisyon sa pinakabagong laboratory tests results ng tubig at isda  na isinagawa ng  Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) noong Abril 17 at 24.

 

 

Ang Cluster 4 ay binubuo ng mga munisipalidad ng Bongabong, Roxas, Mansalay at Bulalacao, habang ang Cluster 5 ay binubuo naman ng munisipalidad ng  Puerto Galera, Baco, at San Teodoro.

 

 

Sinabi pa ng task force na ang katubigan ng Clusters 1, 2 at 3, binubuo ng  bayan ng Naujan, Pola, Pinamalayan, Gloria ay  Bansud, ay hindi pa rin rekumendado para sa  fishing activities bunsod ng panganib ng kontaminasyon ng oil spill na hanggang ngayon ay hindi pa rin naaalis.

 

 

Idinagdag pa ng task force na mananatiling ipinatutupad ang  precautionary measures kung saan ang antas ng kontaminsayon ay  mayroong panganib para sa  food safety mga isda at  fisheries products.

 

 

Sa gitna ng kaganapan na ito, sinbai ng  PCO  na ang time-series monitoring ng lahat ng sites ay magpapatuloy ayon sa scheduled sampling plan ng  BFAR.

 

 

Samantala, patuloy namang nagsasagawa ang  Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng kanilang  air at water sampling  kabilang na ang hazardous waste monitoring at management ng lahat ng apektadong lokalidad.

 

 

Sinabi ng DENR na sa Region 4B, ang lahat ng lugar na matatagpuan sa hilaga ng ground zero o bayan ng Naujan ay mayroong mababang naitalang  “oil at grease” kumpara sa  katimugan.

 

 

Idinagdag pa ng DENR na “all monitored shorelines affected by the oil spill have generally improved and all monitored areas in the municipality of Pola are all within the water quality guidelines for oil and grease based on the last sampling result available.” (Daris Jose)

Other News
  • Pangako ni PBBM, mas maayos na suporta sa mga atleta; pinuri ang ” historic win” ng Philippine National Women’s Football team

    NANGAKO si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na bibigyan ng mas maayos na suporta ng gobyerno ang mga  national athletes para hasain pa ang kanilang mga potensiyal.     Binati ng Pangulo ang Philippine Women’s National Football team Filipinas para sa makasaysayang pagkapanalo ng mga ito laban sa Thailand nitong nagdaang linggo.     “We […]

  • Hiling ng DTI na maibaba sa lalong madaling panahon ang quarantine classification sa NCR, masusing pag-aaralan ng IATF sa takdang oras

    MASUSING pag-aaralan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang hirit ng Department of Trade and Industry (DTI) na maibaba sa lalong madaling panahon ang quarantine classification sa National Capital Region (NCR).   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na pagbabatayan ng IATF sa takdang oras ang mga datos na makukuha mula sa Kalakhang Maynila kung dapat […]

  • Facebook pinalitan na ang pangalan bilang ‘Meta’

    Inanunsiyo ni Facebook founder Mark Zukcerberg na papalitan na nila ang pangalan ng kanilang kompanya.     Tatawagin na aniya ito simula ngayon bilang “Meta”.     Isinagawa nito ang anunsiyo sa virtual reality ng kompanya na naka-focus sa metaverse o Meta.     Sinabi nito na sa kasalukuyan kasi ay nakikita ang kanilang kompanya […]