• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Stand-out sa ibang klaseng galawan: ZIA, little Marian Rivera talaga pala sa dance floor

KATULAD namin, personal din na nanood at hinabol sa sinehan ng Kapuso actress na si Yasmien Kurdi ang ‘Voltes V Legacy.’
Nitong Lunes, May 8 naman na ito nagsimulang mapanood sa GMA Telebabad.
Kasama ni Yasmien ang kanyang mag-ama. Sabi niya, “Finally! were able to watch #VoltesVLegacy with Pangga and Ayesha Zara. Anyway, after naming manood, nagpalakpakan yung mga tao sa sine then I heard from one of the movie goers that “there’s something to be proud of again ang Pilipinas”
Proud of our director! @direkmark iba direk! tama ka… dapat nagdala ako ng tissue and to all the cast, crew, staff and of course the production team congratulations in advance! Ang ganda! Excited to watch it on Philippine Tv.
Katulad ni Yasmien, excited din kami kung paano ito tatanggapin ng mga manonood at sana lahat ay maging proud bilang Pinoy sa nagawang ito ng GMA.
***
NAG-STAND-OUT talaga si Zia Dantes, ang panganay na anak nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa dance performance nito sa school.
Talagang siya ang sentro at ibang klase ang galawan. As in, little Marian Rivera talaga pala si Zia sa dance floor.
Napakaraming naaliw sa pinost na photos at video na ito ni Marian sa kanyang Instagram at Facebook accounts
Sabi ni Marian na isang proud Mama, “Ate Z’ OOTD for her school program. Another proud stage moment for me! Congratulations Zia and the rainbow girls.”
Si Dingdong naman, napa-comment at sinabi na, “Abztract! Haha!” Meaning, naalala nito ang kanyang dating dance group.
Iisa halos ang comment ng mga kapwa nila celebrities kay Zia bilang isang dancer, “mana sa inyong dalawa. Magaling sumayaw ay gumiling.”
***
MERON talagang mga artista na kahit sabihing hindi naman required katulad halimbawa sa South Korea na mag-enlist o maging bahagi ng military, voluntarily ay talagang nag-a-undergo ng training para maging bahagi ng Philippine Navy.
Ang pinaka-latest dito ay ang Kapamilya actor na si JC de Vera. Nag-post si JC ng mga pictures niya kuha sa kanyang graduation ceremony for Basic Citizen Military Course na ginanap sa Marines Training Camp.
Present din ang kanyang mag-ina na sina Rikkah at Lana de Vera.
Ayon sa post ni JC, pangarap daw niyang talaga ito.
“PO3 John Carlo de Vera PN (res) BCMC Class 03-2023.
“A dream come true.  I’m honored and proud to be part of the Philippine Navy and PMA Baghawi 2008. It was physically and mentally challenging but overall it was a fun experience.
“I am ready to serve my country.  Sending my Snappiest salute Navy! Hooyah! Marines Hooyah!”
(ROSE GARCIA)
Other News
  • Magaan na virus restrictions, inirekomenda ng MM mayors

    INIREKOMENDA ng mga Metro Manila mayors ang pagpapagaan ng virus restrictions sa capital region. Ang rekumendasyon ng mga MM mayors ay isang araw bago mapaso ang modified enhanced community quarantine. Nagkaisa ang mga local chief executives sa MM capital na manawagan kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na isailalim na sa strict general community quarantine ang […]

  • 102% ng target population sa NCR, nakakuha na ng first dose ng Covid vax

    SINABI ni Vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na may 102.86% na ng target population sa National Capital Region (NCR) ang nakatanggap na ng kanilang first dose ng Covid-19 vaccine.   Sinabi ni Galvez, tumatayong chief implementer ng National Task Force (NTF) laban sa Covid-19, na may mahigit na 8.8 milyong indibiduwal o 90.75% ng […]

  • 2 bagong tren ng PNR, aarangkada na

    SA mga susunod na araw ay maari ng masakyang ang dalawang bagong bagon ng Philippine National Railways (PNR).   Inaasahan din na mabibigyang serbisyo sa mga libo-libong mga mananakay na mula sa Tutuban hanggang Alabang Station.   Ayon sa PNR, nakumpleto na ang mga bagong bagon ng tren na idineploy sa PNR depot ngayong araw […]