• January 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Navotas solon kabilang sa “Top 3 Perfroming Representatives”

KASAMA si Navotas City Congressman Toby Tiangco sa mga “Top Performing Representatives” ng bawat distrito ng bansa sa isinagawang “job performance” survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD).

 

 

Base sa inilabas na “Boses ng Bayan” nationwide survey, nanguna sina Sandro Marcos (95.8%), Kristine Singson (95.6%), Duke Frasco (95.6%), Pablo John Garcia (95.2%), at Chiquiting Sagarbarria (95.1%) bilang pinakamahusay na gumaganap na mga kinatawan ng distrito sa Pilipinas, kasunod sina Toby Tiangco (92.5%), Camille Villar (92.3%), Oca Malapitan (92.1%) at iba pa.

 

 

Nagpasalamat naman si Cong. Tiangco sa kanyang mga kababayang Navoteño sa pagkakasama sa kanya sa “Top 3 House Representatives” sa buong Pilipinas kung saan isa aniya itong karangalan para sa kanya.

 

 

“Mga Navoteño, kilalang-kilala n’yo na po ako. “Tapat at buong pusong serbisyo” ang tanging alam kong isukli sa inyong tiwala at ang tuloy-tuloy na pag-angat ng ating minamahal na lungsod at ng buhay ng bawat Navoteño ang ating patuloy na pinagsisikapan”, ani Cong. Toby .

 

 

Nagpaabot din siya ng pagbati sa lahat ng mga Top Performing Representatives. “Sana tayong mga napagkatiwalaang mamuno ay patuloy na magsikap sa pagbibigay ng pinakamataas na antas na serbisyo sa ating mga nasasakupan”, dagdag niya. (Richard Mesa)

Other News
  • Alapag pinasalamatan ang Kings organization

    Pinasalamatan ni dating PBA player at Gilas Pilipinas team captain Jimmy Alapag ang Sacramento Kings organization matapos angkinin ang korona ng katatapos na NBA Summer League sa Las Vegas, Nevada.     “What an amazing experience here in Vegas for the NBA Summer League!!” wika ni Alapag kahapon sa kanyang Instagram account.     Ito […]

  • PSC tutulungan ang mga national athletes, coaches

    Hindi pababayaan ng Philippine Sports Commission (PSC) ang mga national athletes at coaches na naapek­tuhan ng pagragasa ng bagyong ‘Ulysses’.   Ayon kay PSC National Training Director Mark Velasco, nakikipag-usap na sila sa mga National Sports Associations (NSAs) kaugnay sa katayuan ng kani-kanilang mga atleta at coaches.   “We are coordinating with the different NSAs […]

  • Pagpasok ng Pfizer sa Hulyo, hindi garantiya na makaka-avail ang lahat – Malakanyang

    NGAYON pa lamang ay sinasabi na ng Malakanyang na hindi kasiguraduhan na sa sandaling makapasok na sa Hulyo ang bakuna sa COVID ng Pfizer sa bansa ay puwede nang maging available ito sa lahat ng gustong magpabakuna ng nabanggit na brand. Tugon ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa naging reaksiyon ng ilang sektor sa […]